COVID-19 update: Mga bagong walk-in vaccine clinics sa Sydney, binuksan na

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 27 2021

Polisi waonekana nje ya jengo ambalo liko chini ya makatazo yakutoka, katika mtaa wa Devitt Street, katika kitongoji cha Magharibi Sydney cha Blacktown

Polisi waonekana nje ya jengo ambalo liko chini ya makatazo yakutoka, katika mtaa wa Devitt Street, katika kitongoji cha Magharibi Sydney cha Blacktown Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • Walk-in vaccine clinics sa Western Sydney, bukas na
  • Lockdown sa Victoria at South Australia, magtatapos na ngayong hatinggabi
  • South Australia at Queensland, wala nang naitalang bagong kaso
  • Bilang ng mga nagpapabakuna na sae dad 60 pataas, nananatiling mababa

New South Wales

Nagtala ng panibagong 172 na kaso ang estado, 60 dito ay infectious o nakakahawa. Bantay-sarado ngayon ang isang apartment block sa Blacktown matapos magpositibo sa COVID-19 ang anim na residente dito.

Samantala, ayon sa NSW Health maaari nang makakakuha ng Astrazeneca COVID-19 vaccine ang mga nasa edad 40 pataas. Narito ang

Simula bukas, makakakuha na ng Astrazeneca COVID-19 vaccine ang mga nasa edad 18 pataas sa mga . Hinihikayat din ni Premier Gladys Berejiklian ang publiko na magpabakuna sa lalong madaling panahon.

Victoria

Nagtala ng panibagong 10 kaso ang estado at lahat ng mga ito ay naka-quarantine habang nakakahawa. Inaasahang magtatapos ang ikalimang lockdown sa Victoria mamayang hatinggabi, pero babala ng otoridad, wag magpakampante. Sasailalim pa rin ang mga residente sa mga restriksyon sa susunod na dalawang linggo.

Ipinagbabawal pa rin ang pagtanggap ng bisita sa bahay. 10 katao lamang ang maaaring magtipon sa labas at obligado pa ring mag-suot ng masks ang mga residente. Alamin ang mga kasalukuyang restriksyon .

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Wagga Wagga, Hay, Lockhart at Murrumbidgee, hindi na kabilang sa cross-border bubble arrangement sa pagitan ng Victoria at NSW
  • Kulang kulang 15 per cent lamang ang mga nabakunahan sa mga edad 60 pataas, ayon sa Commonwealth data


 

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


 


Share
Published 27 July 2021 1:35pm
Updated 27 July 2021 2:38pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends