COVID-19 update: Mga estado sa Australia isusulong ang pagbabakuna sa lahat ng residente

Update kaugnaysa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 13 2021

Victorian Premier Daniel Andrews addresses the media during a press conference in Melbourne, Friday, August 13, 2021

Victorian Premier Daniel Andrews addresses the media during a press conference in Melbourne, Friday, August 13, 2021. Source: AAP Image/James Ross

  • Mga tinamaan ng Delta variant sa New South Wales pabata
  • Victoria target na bakunahan ang1 milyon residente sa susunod na 5 linggo
  • Kaso ng Covid -19 sa ACT nadagdagan ng dalawa
  • Lahat ng arrival mula ACT kailangan mag-quarantine 
 


 

New South Wales

Nagtala ng 390 na bagong kaso ng Covid-19 ang estado, 60 sa mga ito ay nasa komunidad habang infectious o nakakahawa, dalawa naman ang namatay.

Umabot naman sa 25 na bagong kaso ang naitala sa Dubbo at Walgett kung saan apektado ang mga Aboriginals kasama ang ilang bata.

Ayon kay New South Wales health Dr Maryanne Gale, lumalabas sa kanilang datos na pabata ang nahawaan ng Delta variant na nasa edad 20-29 anyos.

Kaya nanawagan ito sa lahat na magpabakuna.

 

Victoria

 

Nagtala ng kinse na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 4 rito ay walang kaugnayan sa kasalukuyang outbreak.

Ayon kay Victoria Premier Daniel Andrews gagamitin nila ang AstraZeneca vaccine para sa lahat ng vaccination hubs, para sa edad 18 anyos  pataas. At makuha ang target na 1 milyong indibidwal na bakunado sa susunod na 5 linggo.

 


 

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

 

  •  Queensland nagtala ng 7 panibagong kaso ng Covid-19. 
  • At simula  Agosto 14 lahat ng darating mula ACT sa Queensland ay kailangan mag-hotel quarantine.
  • Otoridad sa ACT kinumpirma umabot sa 3,000 ang close contact ng 6 na nagpositibo ng Coronavirus.
  • Kalakalan at negosyo sa Tasmania apektado dahil sa pagsara ng border at lockdown sa ibang estado, mga residente pwedeng mag apply ng hardship grants simula Agosto 17.
 



Quarantine, travel, testing clinics and pandemic disaster payment
Quarantine and testing requirements are managed and enforced by state and territory governments:

 

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website.

 

 


 


 

 

Visit the translated resources published by NSW Multicultural Health Communication Service:


Testing clinics in each state and territory:

 
 

Pandemic disaster payment information in each state and territory:

 
 

Share
Published 13 August 2021 4:27pm
By SBS/ALC Content
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends