- COVID-19 recovery package para sa mga negosyo, inanunsyo ng NSW
- Victoria, maglalaan ng milyon-milyong pondo para sa healthcare
- At pamahalaan ng Commonwealth, maglalabas ng plano para matugunan ang mental illness sa mga kabataan
Victoria
Nagtala ng 1,466 na panibagong kaso ang Victoria at walo ang namatay. Sa 675 katao na nasa ospital, pitong porsyento lamang dito ang bakunado.
Hinihikayat naman ni Premier Daniel Andrews ang mga residente ng Victoria na nakapagpa-book na ng unang dose na agahan ang susunod na booking para sa panagalawang dose ng bakuna.
Nag-anunsyo din ang Victoria na maglalaan ito ng milyon-milyong pondo para sa healthcare bilang paghahanda sa pagbubukas ng estado.
Plano ng gobyerno na maglaan ng $255 milyon para sa karagdagang suporta sa mga nagtatrabaho sa COVID frontline. At $2.5 milyonnaman ang gagamitin para makapagrecruit ng 1000 healthcare workers na manggagaling sa ibang bansa.
New South Wales
Nagtala ng 360 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at lima ang namatay.
Nag-anunsyo naman si Premier Dominic Perrottet ng support package para sa mga negosyo, kung saan maaaring makakuha ng $2,000 na rebate ang mga negosyong pwedeng mag-apply ng benepisyo. Makakakuha din ng malaking rebate ang mga negosyo na naghahanda ng mga stock para sa Pasko.
Inaasahan din ng estado na magluluwag pa ng ilang restriksyon sa oras na maaabot nito ang target na 80 per cent full vaccination target sa darating na Lunes.
ACT
Sa Australian Capital Territory naman ay may naitalang 28 na panibagong kaso ng COVID-19, 22 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Queensland, walang bagong naitalang kaso ng COVID-19
- 82.8% ng mga resdienteng pwede na magpabakuna, nakakuha na ng unang dose habang 63.4 percent na ang may kumpletong bakuna
- At impormasyon kaugnay ng booster dose, ipapaalam sa huling araw ng Oktubre, ayon kay Federal Minister Greg Hunt
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: