- Inanunsyo ng pamahalaang Victoria na papayagan na ulit ang ilang elective surgery simula sa Lunes.
- Maglalaan din ang Victoria ng $1.4 milyong pondo, na ayon kay Health Minister Martin Foley, kinakailangan talaga ito para mapabuti ang pagresponde ng estado sa banta ng Omicron.
- Sa NSW, 31 ang naitalang namatay dahil sa COVID-19, habang 36 naman ang naitala sa Victoria. Sa ngayon, parehong pababa na ang bilang ng mga naoospital sa parehong estado.
- 45,000 sa 170,000 na residente sa aged care ang hindi pa nakakakuha ng kanilang ikatlong COVID-19 booster shut, ayon kay Federal Health Minister Greg Hunt.
- Giit ni Hunt, marami pa din ang may agam-agam sa pagkuha ng booster shot, kaya mababa pa rin ang bilang ng mga nababakunahan sa mga residente ng aged care.
Covid-19 Stats:
Sa NSW, 2,494 na mga pasyente ang nadala sa ospital, 160 ang nasa intensive care, 31 ang namatay dahil sa COVID-19, at 10,698 ang naitalang panibagong kaso.
Sa Victoria, 707 ang nasa ospital dahil sa virus, 79 ang nasa ICU, 36 ang namatay at 11,249 ang naitalang panibagong kaso ng COVID-19 sa estado.
Sa Queensland, 732 ang nadala sa ospital, 50 ang nasa intensive care, 13 ang namatay, at 6,857 ang naitalang panibagong kaso.
Sa Tasmania, 570 ang naitalang panibagong kaso, 13 ang nasa ospital, at 2 ang nasa ICU.
Sa ACT, may isang namatay dahil sa COVID-19. 449 ang naitalang panibagong kaso, 65 dito ay nasa ospital at isa ang nasa ICU.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: