- Victoria, nahigitan na ang 80-percent na target para sa mga nakakuha ng unang dose ng bakuna
- NSW, mapapaaga ng isang linggo ang pagbabalik-eskwela
- ACT, magluluwag ng restriksyon simula mamayang hatinggabi
- At sa Queensland, may naitalang anim na bagong kaso ng coronavirus
Victoria
Nagtala ng 1,438 na bagong kaso ng coronavirus ang Victoria, higit 500 dito ay konektado sa mga pagtitipon nitong grand final weekend. Lima ang naiulat na namatay.
Ayon kay COVID-19 commander Jeroen Weimar, malaking epekto umano ang biglaang pagtaas ng mga kaso sa nalalapit na sanang pagbubukas ng estado.
Inanunsyo naman kanina ni Premier Daniel Andrews na sa halip na anim na linggong paghihintay, pwede nang magpabook para sa pangalawang dose ng Pfizer vaccine pagkatapos ng tatlong linggo. Aniya, sapat naman ang supply ng bakuna para sa mga pagbabago sa susunod na buwan.
New South Wales
Nagtala ng 941 na bagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales at anim ang naiulat na namatay.
Kinumpirma naman ni Premier Gladys Berejiklian na magbabalik-eskwela na ang mga nasa kindergarten, Year 1 at Year 12 na mga estudyante, simula Oktubre 18, mas maaga ng isang linggo sa naunang plano.
Inaasahang babalik na din ang ibang mga estudyante sa Oktubre 25 at Nobyembre 1.
Australian Capital Territory
Nagtala ng 31 na bagong kaso ng coronavirus ang Australian Capital Territory. Simula Biyernes, Oktubre 1, sa teritoryo. Kabilang dito ang mas mahabang oras para makapaglibang sa labas. Bubuksan din ulit ang mga national parks, at magluluwag na rin ng mga restriksyon para sa mga negosyo.
Para naman sa mga residenteng may edad 60 pataas, pwede nang magpabook ng Pfizer vaccine.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Sasailalim sa stage 2 restrictions ang ilang lugar sa Queensland simula ngayong Huwebes, alas kwatro ng hapon. Kabilang dito ang Brisbane, Gold Coast, Logan, Moreton Bay, Townsville at Palm Island
- COVID-19 disaster funds para sa mga nawalan ng trabaho at ayuda para sa mga may negosyo, ititgil na ng gobyerno kapag naabot na ang 80 per cent na vaccination target
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: