Key Points
- ACT extends public health emergency
- Tasmanians getting a PCR test will also be tested for other respiratory viruses
- NSW and Victoria begin rollout of monkeypox vaccines
Naitala ang 14 na kaso ng pagkamatay sa buong Australia dahil sa COVID-19, kabilang ang 7 sa South Australia at 4 sa New South Wales (NSW) ngayong araw ng Lunes.
Karamihan sa mga estado at teritoryo ay patuloy na nakakaranas ng pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso at pagka-ospital.
Ngayong araw ng Lunes, inanunsyo ng Australian Capital Territory o ACT na pinahaba nila ang ipinapatupad na Public Health Emergency hanggang sa ika-30 ng Setyembre para maiwasan na dumami ang bagong impeksyon ng COVID-19 sa komunidad.
Ayon kay ACT Health Minister Stephen-Smith umabot sa average na 1000 ang bagong kaso ng tinamaan ng virus bawat araw.
Bagay na ikinabaha ng awtoridad, dahil nalalagay sa peligro ang buhay ng mga may malubhang sakit o mga residenteng kabilang sa immucompromised.
Lumbas sa pinakahuling datos, umabot sa 952 ang active outbreaks ng COVID sa mga residential aged care facilities sa buong Australia.
Sa NSW, Victoria at Queensland naitala ang 310, 207 at 201ang active outbreaks.
Noong Lunes, inilabas ng The Medical Journal of Australia ang resulta ng dalawang pangunahing ginawang pag-aaral.
Sa unang pag-aaral, ginamit ng mga mananaliksik ang datos ng higit 17,000 na kabataan na may edad 16 pababa at nakitang karamihan sa mga bata na nahawaan ng variant ng Delta ay asymptomatic o may banayad na sakit. Mababa din ang bilang ng mga nadala sa ospital.
"Ang posibilidad na madala sa ospital dahil sa may kondisyong medikal ay bumaba mula may edad 5-11 taong gulang ngunit tumaas muli para sa mga may edad na 12–15. Ang kasarian at pagiging Indigenous ay hindi nakaimpluwensya sa posibilidad ng kanilang pagka-ospital," sabi ng mananaliksik.
Sa ginawang pangalawang pag-aaral lumabas na ang panandaliang side-effect ng COVID-19 mRNA vaccines na myocarditis o pamamaga ng muscles sa puso ay banayad sa kabataan mula edad 12-18 taong gulang, kumpara sa komplikasyon ng virus sa katawan.
Samantala, nagsimula ng ipinamahagi sa NSW at Victoria ang bakuna laban sa sakit na monkeypox (MPX).
Ang mga kwalipikadong taga-Victoria ay maaaring magpabakuna sa Melbourne Sexual Health Centre, Thorne Harbour Health, Northside Clinic, Collins Street Medical Centre at Prahran Market Clinic.
Sa ngayon ang Australia ay may 60 MPX cases, kabilang dito ang 33 sa NSW at 22 sa Victoria.
Simula ika-9 ng Agosto, ang mga taga-Tasmania ay maaring pumunta sa mga laboratory na pinamamahalaan ng gobyerno ng estado para sa PCR test, maari din silang magpa-test sa Influenza A, Influenza B at Respiratory Syncytial Virus (RSV).
Hanapin ang COVID-19 testing clinic
I-register ang resulta ng inyong RAT dito, sakaling kayo ay nag-positive
Australia
Bago kayo maglakbay patungong ibang bansa,