- 11 ang naitalang namatay dahil sa COVID-19 sa Victoria, at lima naman ang naitala sa NSW.
- Pito ang binawian ng buhay dahil sa virus sa Queensland.
- 64 porsyento na may edad 18 pataas ang nakatanggap na ng ikatlong dose ng bakuna.
- Pre-departure testing requirements para sa mga babyahe sa Australia galing ibang bansa, tatanggalin na matapos magbigay ng senyales ang Punong Ministro na luluwagan pa ang mga restriksyon.
- Sa ngayon, kinakailangan magpakita ng negatibong COVID-19 test result bago sumakay sa eroplano patungong Australia, kahit na kumpleto ang bakuna.
- Aniya, mag-aanunsyo si Health Minister Greg Hunt kaugnay dito.
- Industrial city sa China na may siyam na milyong katao, sumailalim sa lockdown ngayong linggo matapos magtala ng 4,000 kaso ng COVID-19 noong Martes.
Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic
I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT
Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.