COVID-19 update: COVID hotspots sa NSW, niluwagan ang restriksyon; Victoria inilatag ang roadmap sa muling pagbubukas ng estado

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 19, 2021

VIC CORONAVIRUS COVID19

Watu wachangia chakula katika eneo la Albert Park Lake mjini Melbourne, Jumapili, Septemba 19, 2021. Source: AAP/DANIEL POCKETT

  • Pagluluwag sa mga restriksyon sa mga LGAs of concern, inihayag ng NSW Premier
  • Victoria inilatag ang roadmap para sa muling pagbubukas ng estado
  • ACT nakapagtala ng 17 na bagong local cases ng COVID-19
  • Queensland naitakda ang pinakamalaking bilang ng nagpabakuna sa loob ng isang araw

New South Wales
NSW nakapagtala ng 1,083 locally acquired cases, at 13 pagkamatay.

Inihayag ni Premier Gladys Berejiklian na mula Lunes, Setyembre 20, magiging pareho na ang mga paghigpit para sa lahat ng areas of concern na , pero mananatili ang mga kondisyon para sa mga awtorisadong mangagagawa at mga kailngang travel permit. 

Magbubukas na ang mga outdoor public pool sa buong NSW mula Lunes, Setyembre 20, basta's mayroon silang ipapatupad na aprubado na COVID-safe plan.

Sa ngayon, 81.9 porsyento ng mga karapat-dapat na residente ng NSW ang nakatanggap ng isang dosis ng bakuna at 51.9 porsyento ang ganap na bakunado na.

Victoria
Victoria nakapagtala ng 507 na bagong locally acquired cases, at isang pagkamatay.

Inilatag ni Premier Daniel Andrews ang limang hakbang na roadmap palabas ng mga restriksyon. Tatapusin ang mga lockdown kapag fully-vaccinated na ang 70 porsyento ng eligible population ng estado na inaasahan sa Oktubre 26. “We are reopening, and there will be no turning back”, ani Andrews. Pagsapit ng Araw ng Pasko, papayagan ang hanggang 30 na bisita sa mga bahay, kung maabot ang 80 porsyento na antas ng bakunado.

Ipinapakita ng datos na humigit-kumulang 71.2 porysento ng mga karapat-dapat na Victorians ay nabakunahan na ng isang dosis ng COVID-19 vaccine, at 43.5 porsyento ay ganap na bakunado na.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
  • ACT nakapagtala ng 17 na bagong kaso, 12 ay nakasalamuha sa komunidad habang nakakahawa.
  • 31,004 na Queenslanders nabakunahan kahapon, ito'y rekord na bilang para sa estado. 59.34 porysento na ngayon ang nabakunahan ng unang dosis.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 

Share
Published 19 September 2021 2:53pm
Updated 19 September 2021 4:11pm
By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS


Share this with family and friends