Ngayong Lunes, 13 ang naiulat na namatay sa Australia dahil sa COVID-19, walo sa bilang na ito ay naitala sa New South Wales (NSW) at tigalawa naman sa Western Australia (WA) at Australian Capital Territory (ACT).
Alamin ang iba pang sa mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa, pati na rin ang bilang ng mga nadala sa ospital at namatay.
Tinanggap ng WA noong Lunes ang payo ng Australian Health Protection Principal Committee (AHPCC) na bawasan ang immune period na 12 linggo sa 28 araw.
Ayon sa AHPCC, ang sinumang magpositibo sa COVID-19, 28 araw pagkatapos ng huling araw ng isolation sa nakaraang impeksyon ay dapat maiulat na panibagong kaso.
Base sa mga report, ang BA.4 at BA.5 variant ng Omicron ay maaaring magdulot ng re-infection sa mga dati nang nahawaan ng mas naunang variant ng COVID-19, maging sa mga taong updated ang bakuna.
Simula ngayong araw, Hulyo 11, pwede nang ma-access ng mga Australyano na may edad 70 pataas ang anti-viral na gamot sa Pharmaceutical Benefits Scheme (PBS).
Dagdag pa rito, maaari na din itong ma-access ng mga may edad 50 pataas at mga Aboriginal at Torres Strait Islander people ang anti-viral na gamot kung mayroon silang dalawang risk factors. Papayagan ding makakuha ng gamot ang mga may edad 18 pataas kung kabilang sila sa may katamtaman hanggang malubhang kondisyon.
Maaari na ring makakuha ng ikapaat na dose ng bakuna ang mga may edad 30 pataas, simula ngayong araw.
Samantala sa Queensland, maaaring magtayo ng mga Long COVID-19 clinic ang estado, alinsunod sa South Australia, NSW, Victoria, at ACT.
Kasalukuyang pinangangasiwaan ng mga awtoridad sa kalusugan sa estado ang panibagong outbreak ng COVID-19 sa Coral Princess, na kasalukuyang nakadaong sa Brisbane.
Sinabi ni SA Chief Public Health Officer na si Nicola Spurrier na maaaring mas tataas pa sa 6,000 ang mga panibagong kaso sa mga darating na linggo. Sa ngayon, nasa pagitan ng 3,000 hanggang 4,000 kada araw ang nauulat na panibagong impeksyon.
Alamin ang karagadagang impormasyon tungkol sa
Alamin kung saan may pinakamalapit na COVID-19 testing clinic
I-rehistro ang positibong resulta ng iyong RAT
Bisitahin ang para sa lahat ng impormasyong dapat mong malaman tungkol sa COVID-19.