- Victoria nakapagtala ng 61 panibagong kaso, buong estado naka-lockdown
- NSW nakapagtala ng pinakamataas na kaso simula ng pandemya
- Queensland nakapagtala ng zero locally acquired case
- ACT nakapagtala ng walong panibagong kaso, naka-quarantine ang mga kaso habang nakakahawa
New South Wales
Pumalo sa 825 panibagong locally acquired cases ang naitala sa New South Wales at tatlo ang nasawi- isang nubenta'y anyos na lalaki na hindi bakunado, isang otsenta'y anyos lalaki na bakunado at isang nobenta'y anyos na babae na nakatanggap ng kanyang unang dose ng bakuna.
Nagbabantay ang 1,500 pulis sa New South Wales upang masiguro na hindi matutuloy ang planong anti-lockdown protest. Hindi na muna titigil sa mga pangunahing Sydney train station ang mga tren para magsakay ng pasahero at ipinagbawal ang mga taxi at rideshare operators sa CBD.
Available ang mga priority COVID-19 Pfizer para sa mga may edad 16-39 na naninirahan sa mga local government areas of concern.
Victoria
Nakapagtala ang Victoria ng 61 panibagong locally acquired cases, 39 ang nasa komunidad habang sila ay nakakahawa.
Na-detect din ang ilang mga kaso sa reigional Victoria kaya simula 1pm ngayong araw ay sasailalim sa lockdown ang regional Victoria.
Ang mga restriksyon sa mga rehiyon ay katulad ng mga batas sa pinatupad sa Melbourne maliban sa mga curfew.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- ACT nakapagtala ng walong panibagong kaso ng COVID-19 at plano ng awtoridad na ang mga kabataang nasa edad 12 ay maisali sa vaccine roll out bago magtapos ang taon.
- Nakapagtala ang Queensland ng zero local COVID-19 cases at nanawagan ang pamahalaan na magpabakuna ang 16 pataas.

Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: