- NSW napagtala ng pinaka-mataas na bilang ng kaso ng tinamaan ng Covid -19 ngayong araw simula ng magkapandemya sa estado
- Victoria patuloy ang imbestigasyon sa isang mystery case ng coronavirus sa lugar
- South australia nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw
- Queenslanders isinailalim sa mandatory na pagsusuot ng masks sa loob ng isa pang linggo
New South Whales
Pumalo sa 239 ang bagong kaso ng Covid-19 sa estado, habang 2 ang binawian ng buhay, isang babae na nasa edad 90's at isang lalaki na nasa 80’s ang 2 ay pawang nakatira sa may Southwest Sydney.
Sa bilang na 239, 81 ang naka-isolate habang infectious o nakakahawa, 126 na kaso ang patuloy na imbestigahan ng mga eksperto.
Dahil dito inanunsyo ni NSW Premier Gladys Berejiklian ang lahat ng mga nakatira sa 8 local government areas of concern, gaya ng Fairfield, Canterbury-Bankstown, Liverpool, Cumberland, Blacktown, Parramatta, Campbelltown at George's River ay hindi pinapayagang makabyahe lagpas sa 5 kilometro mula sa kanilang bahay.
Samantala, tinaasan ang multa mula sa $200 sa $500 para sa hindi nagsusuot ng masks. Aasahan din na simula bukas, ipapasara na ng mga pulis ang negosyo ng mga negosyanteng pilit na nagbubukas ng kani-kanilang mga negosyo ngayong panahon ng lockdown.
Victoria
Nakapagtala ng bagong 6 na locally aquired na kaso ng Coronavirus, lahat ng kaso ay kaugnay sa kasalukuyang Delta outbreak sa estado. Samantala naka-isolate na habang infectious o nakakahawa ang mga biktima. Pero patuloy pa din ang pag-iimbestiga ng mga otoridad kaugnay sa mystery Covid case na naitala kahapon.
Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia
- South Australia nakapagtala ng 2 bagong kaso ng Covid-19, mga tinaman ng virus naka-isolate habang infectious o nakakahawa.
- Ipinatupad ang mandatory na pagsusuot ng mask sa mga residente ng 11 LGA's na sakop ng South East Queensland, sa loob ng isa pang linggo.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: