- Pinakamataas ang bilang ng mga hospitalisations at daily case numbers sa New South Wales ngayon habang kumakalat ang Omicron variant sa estado. 1,344 ang mga katao sa ospital na may COVID-19.
- Nagtawag ng pagpupulong ang NSW teachers' union kasama ang mga health and education officials upang pag-usapan ang kaligtasan ng mga estudyante bago magsimula ang panibagong school year sa kaligitnaan ng lumalalang outbreak.
- Mula ngayong araw, ang tinakdang panahon sa pagitan ng pangalawa at pangatlong doses ay binawasan na ng apat na buwan. Ibig sabihin nito ay maaari ng kumuha ng pangatlong bakuna ang humigit kumulang na 7.5 million na Australyano.
- Nanawagan ang Chemist Warehouse director na si Mario Tascone sa pamahalaang pederal na tanggalin na ang GST sa mga rapid antigen tests upang bumaba na ang presyo ng mga ito habang pinag-didiskusyunan kung sino ba dapat ang magbayad sa mga tests na ito.
- Ayon kay Chief health officer Dr John Gerrard inulat ng Queensland Pathology na 23 per cent ng lahat ng swabs na tinest noong Lunes ay positibo.
- Mahigit 100,000 katao ay nasa ospital ngayon dahil sa COVID-19 sa US sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ng apat na buwan. Ito ay ayon sa pinakabagong data galing sa US Department of Health and Human Services (HHS).
COVID-19 STATS:
May 23,131 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at dalawa ang namatay, habang may 14,020 na naiulat na bagong kaso sa Victoria at dalawang namatay.
May 5,699 na bagong kaso sa Queensland.
May 926 na kaso sa ACT, habang 702 ang positibo sa virus sa Tasmania.
Quarantine and restriksyon kada estado:
Travel
Pampinansyal na tulong
May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:
- Balita at impormasyon para sa higit na 60 na wika sa
- Relevant guidelines para sa iyong estado o teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon ukol sa