COVID-19 Update: Wala ng PCR test sa Queensland para sa interstate travellers

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya para sa 29 Disyembre 2021.

Rapid antigen tests are available in supermarkets and pharmacies across Australia

Rapid antigen tests are available in supermarkets and pharmacies across Australia. Source: AAP/Lukas Coch

  • Inanunsyo ni Premier Annastacia Palaszczuk na wala ng mandatory PCR tests kung papasok ka sa Queensland mula Enero 1. Rapid antigen testing na lamang ang gagawin.

  • Magpupulong ang National Cabinet sa Huwebes upang pag-usapang ang COVID-19 testing requirements sa bansa patungong Bagong Taon.

  • Halos dumoble ang bilang ng tinamaan ng virus sa NSW nitong 24 oras na mayroong 11,201 bagong kaso

  • Makakatanggap na ng libreng rapid antigen tests and mga Victorians mula Enero matapos magtala ng pinakamataas na case tally sa estado.

  • Naubusan na ng rapid antigen tests ang mga Victorian border towns pagkatapos baguhin ang South Australia entry requirements.

  • Ibinababa na ng ACT Health ang risk assessment ng ilang exposure sites habang hirap na ang tracing at testing resources 

  • Sa US, kinalahati na lamang ng US health officials ang isolation time para sa mga taong asymptomatic sa COVID-19 mula 10 pababa ng limang araw upan tugunan ang kakulangan ng staff.

COVID-19 STATS:

May 11,201 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at tatlo ang namatay, habang may 3,767 na-report na bagong kaso sa Victoria at limang namatay.

Nagtala ng 1,589 na bagong kaso sa komunidad, 1,471 sa South Australia at 252 sa ACT

May 55 na bagong kaso ng COVID-19 sa Tasmania.

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita 



Quarantine and restriksyon kada estado:

Travel

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  





Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

 
 

 






Share
Published 29 December 2021 1:33pm
Updated 30 December 2021 6:45pm


Share this with family and friends