Highlights
- Pagluluwag ng restriksyon sa Queensland para sa mga kumpleto na ang bakuna, ipapatupad na.
- Tatanggalin na ang mga restrikyon sa pub, entertainment venues at stadiums simula Disyembre 17, o sa oras na maabot ng estado ang 80 per cent double vaccination rate
- Papayagan na ang pagbisita sa mga ospital para sa mga may kumpleto na ang bakuna, maliban na lang kung may mamamatay o may emergency.
- Mga taga-Queensland, hindi na kailangang magsuot ng mask, maliban na lang kung nasa airport o sasakay ng eroplano. Ipapatupad ito sa oras na maabot ng estado ang 80 per cent vaccination target para sa nakakuha na ng unang dose.
- Napag-alaman sa bagong report ng Doherty na sa higit 70 porsyento na vaccination coverage, halos kalahati ng tatamaan ng virus ay bakunado na, pero lumabas din na hindi gaanong malala ang epekto nito
- Home quarantine sisimulan na sa Nobyembre 23, sa ilalim ng 3-stage roadmap sa pagbubukas ng Northern Territory
COVID-19 cases
- Sa Victoria, nagtala ng 1069 na panibagong kaso at sampu ang namatay
- Sa NSW, nagtala naman ng 222 na panibagong kaso at apat ang namatay
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, bisitahin ang website na . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: