COVID-19 Update: Border ng Queensland, bukas na para sa mga domestic travellers na kumpleto na ang bakuna

Narito ang pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong Nobyembre 15, 2021.

Queensland is opening its border to fully vaccinated domestic travellers

A Virgin Australia plane is seen on approach into Brisbane airport. Source: AAP

  • Simula alas-singko ngayong hapon, bubuksan na ang border ng Queensland para sa mga may balak bumyahe galing sa ibang estado o teritoryo. Kinakailangan lamang bumyahe sa eroplano, magpakita ng negatibong test, at mag-home quarantine sa loob ng 14 na araw. Samantala, naabot na ng Queensland kahapon ang 70 porsyentong vaccination rate para sa mga may edad 16 pataas.
  • Simula naman sa susunod na linggo, hindi na ipapatupad ang malawakang lockdown sa South Australia, habang inaasahang maaabot nito 80 porsyentong vaccination target para sa may kumpleto na ang bakuna.
  • Mamimigay naman ang pamahalaan ng Victoria ng libreng rapid antigen testing kit sa mga kindergarten at long day care centres para ma-kontrol ang outbreak sa mga early childhood services
COVID STATISTICS

Nagtala ng 860 na panibagong kaso ang Victoria at lima ang namatay.

165 na kaso naman ang naitala sa NSW at isa ang naiulat na namatay.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, bisitahin ang website na .  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update   website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 15 November 2021 1:51pm
Updated 15 November 2021 1:53pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends