COVID-19 Update: 80 per cent vaccination target, malapit nang maabot ng Queensland; Travel bubble sa South Korea at Japan, pinag-aaralan na

Narito ang pinakahuling Coronavirus update sa Australia ngayong Nobyembre 10, 2021.

The Brisbane skyline is seen at sunset from the suburb of Balmoral in Brisbane.

The Brisbane skyline is seen at sunset from the suburb of Balmoral in Brisbane. Source: AAP

  • Inaasahang maaabot ng Queensland ang 80 porsyentong vaccination rate bukas, ayon kay Premier Annastacia Palaszczuk. At sa ibang balita, nagbabalak maghabla sa korte ng negosyanteng si Clive Palmer sa plano ng estado na pagbawalan ang mga hindi bakunadong residente sa pagpunta sa ilang mga lugar.
  • Pinag-aaralan na ng pamahalaang pederal ang quarantine-free travel sa South Korea at Japan. Ayon kay Punong Ministro Scott Morrison inaayos na ng gobyerno ang kasunduan matapos ang ipatupad ang kaparehong plano na ginawa ng bansa sa Singapore.
  • Sa Victoria, mahigit 84 porsyento ng may edad 12 pataas ang nakakuha na ng unang dose. Inaasahang tatanggalin na ang halos lahat ng restriksyon para sa mga residenteng nakakuha na ng kumpletong bakuna habang inaasahan naming maabot ng estado ang 90 per cent full vaccination rate sa Nobyembre 24.
COVID-19 Stats

Nagtala ang Victoria ng 1,003 n apanibagong kaso at 14 ang namatay.

216 naman ang naitalang bagong kaso sa NSW at tatlo ang namatay

Nagtala ng tatlong panibagong kaso ang Queensland at siyam naman sa ACT

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, bisitahin ang website na .  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update   website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 10 November 2021 4:09pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends