- Victoria nag-ulat ng 1,993 panibagong kaso ng COVID-19
- NSW nakapagtala ng pinakamababang bilang sa loob ng mahigit dalawang buwan
- Southern Tasmania sinailalim sa snap lockdown
Victoria
Nakapagtala ang Victoria ng 1,993 panibagong mga kaso ng COVID-19 at pitong kamatayan.
Sinabi ng COVID-19 Commander ng estado, Jeroen Weimar, kabilang sa mga namatay ang isang kinse anyos na bata na may iba pang mga kondisyon maliban sa COVID-19.
Tumatayo sa 21,600 ang mga aktibong kaso ng estado at 138 ang bilang ng kamatayan na nataal simula ng outbreak.
163 katao ang nasa ICU at 160 ang kinabitan ng ventilator.
Mahigit 88.5 porsyento ng mga nasa edad 16 pataas ang nabakunahan ng unang dose, at 64.3 porsyento ang nakapagpaturok na ng pangalawang dose.
New South Wales
Nakapagtala ang NSW ng 319 panibagong mga kaso ng virus mula sa 66,311 tests at dalawang kamatayan.
Malapit nang maabot ng estado ang 80 porsyentong double vaccination target na magdudulot ng pagluwag ng mga restriksyon. Inilabas ng NSW Health na 78.8 porsyento ng mga tao na may edad 16 pataas ang nakapagpaturok na ng dalawang dose ng bakuna.
Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- ACT nag-ulat ng 20 panibagong kaso ng COVID-19, ito ang pinakamababang tala ng teritoryo sa loob ng labing walong araw.
- Tasmania walang naitalang kaso ng COVID-19. Hinikayat ni Premier Peter Gutwein ang mga naka-lockdown na sumunod sa mga batas.
- Queensland nagpatupad ng mga restriksyon sa sinumang magbabyahe mula sa ilang bahagi ng Tasmania simula 1am ng Linggo, 17 ng Oktubre.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: