COVID-19 update: COVID roadmap to recovery, tinututukan ng mga Premier

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 26, 2021

(K-K) Fabie McGechan, Demitris van Maaren, Melanie Marsden na Joel Hutchings

Raia walio pata chanjo kamili, wachangia chakula nje mjini Sydney, Jumamosi, Septemba 25, 2021. Source: AAP Image/Dan Himbrechts

  • Sa NSW, 59.25 porsyento ng eligible population, bakunado na
  • Sa Victoria, lockdown sa Geelong at Surf Coast tatapusin na mamayang hatinggabi
  • ACT nakapagtala ng 25 panibagong locally acquired cases

New South Wales

Nakapagtala ng 961 na panibagong locally acquired cases ang NSW at 9 na pagkamatay.

Ayon kay Dr Jeremy McAnulty ng NSW Health, pinakamataas ang bilang ng mga kaso sa mga suburbs of concern, kasama ang Guildford, Auburn, Punchbowl, Penrith, Bankstown, Liverpool at Bossley Park.

Ani Premier Gladys Berejiklian, tinatapos na ang detalye kung paano uusad ang estado sa pamamagitan ng COVID roadmap at inaasahang ilalabas ito sa susunod na linggo. Plano ng mga awtoridad na ipahayag ang mga hakbang pangkalusugan para sa mga hindi bakunadong myembro ng populasyon sa ibang araw.

Victoria

Victoria nakapagtala ng 779 na bagong locally acquired cases at dalawa ang namatay.

Sinabi ni Premier Daniel Andrews na luluwagan ang ilang restriksyon sa rehiyonal Victoria at Metropolitan Melbourne kapag naabot ng estado ang 80 porsyento ng single-dose vaccination target, na inaasahan na mangyari sa Martes, Setyembre 28.

Gagawing 15 kilometro ang layo ng pwedeng biyahiin at papayagan ang mga outdoor recreation, kasama ang golf, tennis at basketball, may limit lamang ito.

Babawasan din ang paghihigpit para sa personal training para sa mga residente na fully vaccinated.

 

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Sa ACT, 85 porsyento ng populasyon na edad 12 pataas ay nabakunahan na ng unang dosis ng COVID-19 vaccine.
  • Queensland walang naitalang bagong locally acquired cases.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 26 September 2021 1:06pm
Updated 26 September 2021 3:36pm
By SBS/ALC Content
Presented by Annalyn Violata
Source: SBS


Share this with family and friends