COVID-19 update: Ilang lugar sa regional NSW, sasailalim sa lockdown

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 21 2021

NSW Premier Gladys Berejiklian arrives at a press conference to provide a COVID-19 update in Sydney, Wednesday, July 21, 2021.

NSW Premier Gladys Berejiklian arrives at a press conference to provide a COVID-19 update in Sydney, Wednesday, July 21, 2021. Source: AAP Image/Mick Tsikas

  • NSW, nagdeklara ng regional lockdown sa Orange, Cabonne at Blayney council areas
  • 22 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Victoria, lahat ng ito konekatado sa kasalukuyang outbreak
  • Mga residente ng NSW at Victoria na nagpapatest, pumalo sa pinakamataas na bilang
  • South Australia, nagtala ng isang bagong kaso ng COVID-19, bilang ng kasalukuyang cluster umabot na sa anim.

New South Wales

Nagtala ng 110 na panibagong kaso ng COVID 19 ang New South Wales, 43 dito ay infectious o nakakahawa.

Simula ngayon, pagmumultahin ng $10,000 ang mga employer na pipiliting papasukin sa opisina ang kanilang mga empleyado.

Samantala, kinakailangang manatili sa bahay ang mga residente sa regional areas sa Orange, Cabonne at Blaney kabilang ang mga indibidwal na nandoon sa mga nasabing lugar simula noong Sabado, Hulyo 17. Bukas ang mga testing clinics sa mga nabanggit na lugar.

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o . Inaasahang magtatapos ang kasalukuyang lockdown sa estado sa Biyernes, Hulyo 30.

Victoria

Nagtala ang Victoria ng 22 na bagong kaso ng COVID-19, lahat ng ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak. Pumalo na sa 118 ang kabuuang bilang ng active cases sa estado.

Samantala, hindi papayagang makabalik ang mga residente ng Victoria na kasalukuyang nasa New South Wales at ACT dahil pinatigil pansamantala ang pag-iisyu ng red zone permits.

Alamin ang mga lugar kung saan may mga naitalang kaso ng COVID o . Sa ngayon, magtatagal pa ang lockdown sa estado hanggang Martes, Hulyo 27.


 Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Mayroong 82 testing sites sa buong South Australia, habang 52 exposures sites na ang natukoy ng otoridad
  • Simula bukas, hindi papayagang makapasok sa Queensland ang mga galing ng South Australia, maliban na lamang kung sila ay residente
  • Kinakailangang mag-quarantine ng 14 araw ang sinumang bumyahe galing South Australia

Eid al Adha (Festival of Sacrifice), magtatapos sa Biyernes, 23 July. Mainam na maging protektado sa panahong ito sa pamamagitan ng:

  • Pagdadasal sa bahay
  • Pagkansela ng mga malaking pagtitipon
  • Pagsuot ng mask
  • Paggamit ng sariling prayer rug

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 

 

 

 

 


Share
Published 21 July 2021 4:07pm
Updated 21 July 2021 4:36pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends