- Border restrictions ng Victoria sa NSW, luluwagan na
- Elective surgery ibabalik na ulit sa NSW
- At ACT, nagtala ng 24 na panibagong kaso ng COVID-19
Victoria
Nagtala ng 1,841 na panibagong kaso ang Victoria at labindalawa ang namatay. Umabot na sa 22,598 ang bilang ng mga aktibong kaso sa estado.
Simula ngayong araw, papayagan nang hindi mag-quarantine ang sinumang pupunta sa Victoria na may kumpleto nang bakuna.
Kakailanganin naman ng orange zone permit ang mga pupunta sa Victoria na manggagaling sa Greater Sydney. Kasama dito ang mga manggagaling ng Blue Mountains, Central Coast, Shellharbour at Wollonggong.
Para naman sa mga hindi pa kumpleto ang bakuna, kakailanganing magpatest sa loob ng 72 oras at mag-isolate hangga’t hindi nakakakuha ng negatibong resulta.
New South Wales
Nagtala ng 283 na panibagong kaso ang New South Wales at pito ang namatay.
Samantala, ibabalik na ulit ang mga non-urgent elective surgery sa Greater Sydney sa susunod na linggo matapos ipatigil ito sa kasagsagan ng pandemya sa estado.
Simula Lunes, papayagan na ang hanggang 75 per cent capacity sa mga ospital at mga pribadong pasilidad sa Greater Sydney at Nepean Blue mountains region para sa mga isasagawang operasyon o surgery.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: