- Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga nurse sa NSW para iparating ang kanilang hinaing na dagdag sweldo at mga empleyado para matugunan ang problema sa kakaulangan ng staff. Nagsimula ang kilos-protesta nitong alas syete ng umaga at magpapatuloy ito sa loob ng 24 oras.
- Kasalukuyang nagaganap ang kilos-protesta sa tapat ng Parliament House sa Sydney.
- Ikinadismaya ni NSW health minister ang naging desisyon ng unyon na magsagawa ng pag-aaklas matapos ipagutos ng Industrial Relations Commission na itigil ang protesta.
- Habang kasalukuyang nagpoprotesta ang mga manggagawa, hindi umano maaapektuhan ang mga serbisyo para makaligtas ng buhay sa lahat ng pampublikong ospital at serbisyong pangkalusugan.
- Maaari nang makakuha ng bakunang Novavax sa mga GP clinic, botika at vaccination hubs sa mga estado.
- Aprubado ang bakunang Novavax para gamitin sa mga may edad 18 pataas para sa una at ikalawang dose. Hindi pa ito maaaring gamitin para sa booster shot.
- Umaasa si Federal Health Minister Greg Hunt na magbibigay daan ito para magkaroon ng bagong bakuna na pagpipilian para sa mga hindi pa nakakapagpabakuna.
- Maaari nang makita sa ang bakunang Novavax
- Nagmulta ng $100 ang Victorian Opposition Leader na si Matthew Guy, dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa State Parliament. Nagmulta din ang apat pang MPs dahil sa hindi pagsusuot ng mask.
- Nagtala ang Victoria ng pinakamababang bilang ng naospital dahil sa COVID-19, buhat nang magumpisa ang taon.
- Tutulong ang Australian Defence Force sa aged care facilities sa Tasmania na tinamaan ng outbreak, ayon kay Deputy Premier and Health Minister Jeremy Rockcliff.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo
Quarantine at resktrikyon sa bawat estado
Pagbyahe
Mga dapat alamin kung ikaw ay at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa
Tulong pinansyal
Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo: