COVID-19 update: Mga residente ng NSW, hinihikayat na huwag magpapakakampante sa kabila ng pagluluwag ng mga restriksyon

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 13, 2021

Police patrol Bondi beach, in Sydney, Saturday, September 11, 2021.

Police patrol Bondi beach, in Sydney, Saturday, September 11, 2021. Source: AAP Image/Dan Himbrechts

  • Sa NSW, mga batang may edad 12 pataas pwede na magpabakuna sa GP
  • v/Line train sa Victoria, naantala pansamantala ang operasyon dahil sa COVID-19
  • ACT, binuksan na ang vaccine appointments para sa mga batang may edad 12 pataas
  • Queensland nagtala ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19

New South Wales

Nagtala ng 1257 na panibagong kaso ang New South Wales at pito ang namatay.

Kabilang sa mga lugar na may naitalang pinakamataas na kaso ang Greenacre, Auburn, Yagoona, Liverpool, Punchbowl, Guildford, Redfern, Bankstown, Condell Park at Busby. Umakyat din ang mga kaso ng coronavirus sa Glebe at Redfern.

Simula ngayong araw, pwede nang makakuha ng Pfizer vaccine ang mga batang nasa edad 12 hanggang 15 at pwede na din makakuha ng Moderna vaccine sa mga botika simula sa susunod na linggo.

Para naman sa mga nakakuha na ng dalawang dose ng bakuna, papayagan na magtipon ang hanggang limang katao sa labas.

Victoria

Nagtala ng 473 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado. Ito ang pinakamataas na naitala simula ng mag-umpisa ang outbreak.

Kabilang sa natukoy na ang apat na childcare sa Melbourne.

Samantala, limang driver at staff ng V/Line ang nagpositibo sa virus. Dahil dito, kinakailangang mag-isolate ang daan-daang mga empleyado at naantala ang ilang mga byahe ng tren.

Australian Capital territory

May 13 panibagong kaso ang naitala sa Australian Capital Territory. 

Simula Setyembre 20, ang mga batang may edad 12 hanggang 15, ay pwede na magpa-book ng appointment sa Government clinic sa ACT.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Dalawang kasong naitala sa Queensland konektado sa isang eskwelahan sa Brisbane kung saan nagpositibo ang isang batang babae nitong nakaraang linggo
  • Moderna vaccine, rekomendado na ng Australian Technical Advisory Group on Immunisation para sa mga kabataang may edad 12 pataas
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 13 September 2021 4:32pm
Updated 13 September 2021 5:53pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends