COVID-19 update: Roadmap para sa pagluluwag ng restriksyon sa NSW, kasado na

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 9, 2021

Marrickville, Sydney, Thursday, September 9, 2021.

Members of the public wait in line at a Covid-19 vaccine pop-up vaccination clinic at Marrickville, Sydney, Thursday, September 9, 2021. Source: AAP Image/Joel Carrett

  • Ilang lugar sa New South Wales, niluwagan ang restriksyon
  • Mga pulis, idedeploy para mapigilan ang hindi otorosadong pagbyahe sa regional Victoria
  • ACT, nagdeklara ng mga pagbabago sa Check IN CBR app
  • Sa Queensland, walang naitalang bagong kaso gn coronavirus

 

New South Wales

Nagtala ng 1,405 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, at lima ang namatay

Tatanggalin na ang stay-at-home order at pwede nang tumaggap ng hanggang limang bisita sa bahay, basta’t lahat ay bakunado. Papayagan na din magbukas ang mga hospitality venues, mga tindahan, sporting facilities at personal services kabilang ang mga hairdressers at nail salons. Kailangan pa din sumunod sa 4sqm rule.

Simula Setyembre 11, tatapusin na din ang lockdown sa na walang naitalang bagong kaso sa loob ng 14 na araw.

Victoria

Nagtala ng 324 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 107 sa mga ito ay konektado sa kasalukayang outbreak.

Magde-deploy naman ng mas maraming pulis para mapigilang bumyahe ang mga taga Melbourne sa regional areas sa sandaling tapusin ang lockdown sa September 9.

Pagmumultahin ng hanggang $5,500 ang sinumang lalabag at hindi otorisadong babyahe sa regional Victoria.

Australian Capital Territory

Samantala, nagtala ng labinlimang panibagong kaso ang Australian Capital Territory, at walo sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Nagkakaroon din ng mga pagababago sa paggamit ng , kung saan makakatanggap na ng push notifications ang sinumang nagcheck in sa mga exposure sites. Dagdag dito, pwede na ding gamitin ang para mag-check in kung sakaling walang smartphone.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 9 September 2021 2:49pm
Updated 9 September 2021 2:51pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends