COVID-19 update: Pagluluwag ng restriksyon para sa mga bakunadong residente ng NSW, magsisimula na sa Lunes

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 10, 2021

NSW Premier Gladys Berejiklian arrives to speak to the media during a press conference in Sydney, Friday, September 10, 2021. (AAP Image/Joel Carrett) NO ARCHIVING

NSW Premier Gladys Berejiklian arrives to speak to the media during a press conference in Sydney, Friday, September 10, 2021. Source: AAP Image/Joel Carrett

  • COVID-19 virus, natukoy sa ilang lugar sa regional NSW
  • V/Line natigil pansamantala ang operasyon sa Victoria
  • Dagdag na booking para sa pagpapabakuna binuksan sa ACT
  • Queensland, nagtala ng isang bagong kaso ng coronavirus

 

New South Wales

Nagtala ng 1,542 na panibagong kaso ang New South Wales at siyam ang namatay.

Simula Lunes, Setyembre 13, papayagan nang magtipon sa labas ang mga residente ng , basta’t hindi lalagpas sa limang katao at lahat ay bakunado. Papayagan na rin mag-picnic o lumabas para mag-libang ang mga bakunadong myembro ng pamilya na nakatira sa mga LGA na natukoy na hotspots. Basta’t hindi lalagpas sa dalawang oras ang paglabas, bukod pa ito sa walang limit na pag-eehersisyo.

Samantala, may natukoy naman na traces ng COVID-19 sa daluyan ng tubig ng Tamworth, Lightning Ridge, Glen Innes, Culburra Beach at Moruya.

Simula Lunes, Setyembre 13, magpapalabas na ng mga video updates ang NSW Health kapalit ng mga live press conference tuwing alas-onse.

Victoria

Nagtala ng 334 na panibagong kaso ang estado, 149 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak at isa ang namatay.

Pansamantalang natigil ang operasyon ng dalawampung matapos magpositibo sa COVID-19 virus ang driver ng tren na bumyahe mula Southern Cross papuntang Gippsland. Tinatayang aabot sa 100 ang mga apektadong serbisyo.

Australian Capital Territory 

Nagtala ng 24 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory, at anim sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Hinihikayat rin ng mga otoridad ang mga residenteng nakapagbook na ng bakuna na agahan ang kanilang appointment gamit ang . Sa ngayon, may higit 30,000 na karagdagang appointments ang pwede pang i-book.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Nagtala ng isang panibagong kaso ang Queensland, matapos magpositibo sa virus ang isang teenager sa St Thomas Moore College sa Sunnybank sa Brisbane
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 10 September 2021 1:56pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends