COVID-19 update: Lockdown restrictions sa NSW, mas pinaigting

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 17

A general view of the central business district in Sydney, Saturday, July 17, 2021. The stay-at-home orders for coronavirus-hit Greater Sydney and surrounds have been tightened with the lockdown extended for a further 2 weeks. (AAP Image/Dan Himbrechts) N

Central business district in Sydney Source: AAP Image/Dan Himbrechts


  • Kinakailangang magsara ang mga non-essential retail premises sa Greater Sydney simula 11:59 pm ngayong araw
  • Mga panibagong kaso sa Victoria konektado sa mga kasalukuyang clusters

https://www.facebook.com/facebook/videos/3021074704790357/

New South Wales

Simula 11.59 ngayong araw hanggang 30 ng Hulyo, hindi papahintulutang lumabas ang mga residente ng  at  mula sa nasabing rehiyon para magtrabaho maliban na lamang kung sila ay healthcare workers o miyembro ng emergency services.

Simula 11.59 ngayong araw, kinakailangang magsara ang mga non-essential retail premises sa buong Greater Sydney bagama't maaring mag-operate ang mga Click and Collect, takeaway at home delivery services.

Simula 12:01 am ng Lunes, 19 ng Hulyo, ihihinto muna ang lahat ng construction work at non-urgent maintenance, kabilang ang cleaning services at repair work sa mga residential premises.

Nakapagtala ang New South Wales ng 111 panibagong local coronavirus cases, at isang lalaki sa kanyang late-80's ang nasawi sa South-Eastern Sydney. Alamin mula sa listahan o map ang mga l. Ang kasalukuyang lockdown ay papahabain hanggang 11:59 pm ng Biyernes, 30 ng Hulyo.

Victoria

Nakapagtala ng 19 panibagong local coronavirus cases ang Victoria. Ang mga kaso ay may kaugnayan sa mga existing clusters. Pumalo sa 54 ang bilang ng active cases sa Victoria.

May mahigit 150 exposure sites, kabilang ang ilang lugar sa regional Victoria. Alamin ang mga sa list o map. Ang ika-limang lockdown sa Victoria ay nakatakdang magtapos ng 11:59 pm sa Martes, 20 July.

Mga pangyayari sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Walang naitalang community transmission sa Queensland sa nakaraang 24 oras.

  • Sa unang pagkakataon, na-detect ang mga Coronavirus fragments sa Northern Territory wastewater sa labas ng Howard Springs at Royal Darwin Hospital.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa website. 



Isinalin sa inyong wika, .
Isinalin sa inyong wika .


Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:


 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 


 

 

 


Share
Published 17 July 2021 2:54pm
Updated 18 July 2021 5:49pm
By SBS/ALC Content
Presented by Claudette Centeno-Calixto
Source: SBS


Share this with family and friends