COVID-19 update: 6.8 milyong doses ng bakuna, naiturok na sa mga residente ng NSW

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 30 2021

Premier Gladys Berejiklian and NSW Chief Health Officer Dr Kerry Chant during a COVID-19 update in Sydney, Monday, August 30, 2021. (AAP Image/Dean Lewins) NO ARCHIVING

Premier Gladys Berejiklian and NSW Chief Health Officer Dr Kerry Chant during a COVID-19 update in Sydney, Monday, August 30, 2021. Source: AAP Image/Dean Lewins

  • Traces ng COVID-19 natagpuan sa wastewater sa Trangie NSW west at Byron Bay
  • Malaking bilang ng tinamaan ng virus sa Victoria, mga nasa edad 40 pababa
  • ACT pinalawig ang eligibility para sa Pfizer vaccine
  • At mga truck drivers sa QLD, nagprotesta

New South Wales

Nagtala ng 1290 na panibagong kaso ang New South Wales, 883 sa mga ito ay nasa western at southwestern Sydney. Apat ang naiulat na namatay ngayong araw.

Kinumpirma ng Premier na umabot na sa 2/3 ng kabuuang populasyon ng estado ang nakakuha ng isang dose ng bakuna, habang 36 per cent na ang nakakuha ng pangalawang dose. Target ng NSW na mabakuhan ng dalawang doses ang 70 porsyento ng mga residente hanggang sa Oktubre.

Victoria

Nagtala ng 73 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 21 sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. Sa ngayon ay umabot na sa 805 ang bilang ng mag aktibong kaso, at 75 porsyento ng tinamaan ng virus ay nasa edad 40 pababa.

Ayon kay Chief Health Officer Dr Brett Sutton, ‘nasa kontroladong sitwasyon ang karamihan ng outbreak sa estado’, maliban na lang sa mga mystery cases sa Hobsons Bay, Wyndham at Hume local government areas.

Australian Capital Territory

Nagtala ng 12 panibagong kaso ng COVID-19 ang teritoryo, anim sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay Chief Minister Andrew Barr, pwede nang makakuha ng Pfizer vaccine ang mga nasa edad 16 hanggang 29. Inaasahang magkakaroon na ng supply nito sa mga state-run clinics sa mga susunod na araw.

Alamin kung pwede ka na makakuha ng .

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Mga truck drivers sa Queensland, nagprotesta sa gitna ng pangunahing highway sa  pagitan ng Gold Coat at Brisbane, para matigil na ang lockdown at pagsasara ng mga border
  • Lahat ng mga Australyanong nasa edad 16 hanggang 39, pwede nang magpabook ng Pfizer vaccine
  • alc covid mental health
    Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 30 August 2021 2:22pm
Updated 30 August 2021 2:28pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends