- Pagturok ng booster dose, magiging available kung maaprubahan ng gobyerno
- Victoria, mas pinaigting ang kampanya sa pagbabakuna sa indegenous communities
- Lahat ng mga mag-aaral sa New South Wales, balik eskwela na ngayong araw
Victoria
Nagtala ang Victoria 1,461 na bagong kaso at pitong nasawi, kabilang ang isang babaeng nasa kanyang 20s.
Inanunsyo naman ni Heath Minister Martin Foley ang mas pinaigting na stratehiya ng estado upang pataasin ang vaccination rates sa mga indigenous communities. Nagpatayo rin ang estado ng mga pop-up clinics sa mga komunidad na may mababang vaccination rates.
Nasa 80% naman ng mga Aboriginal people na nasa edad 12 pataas ang nakatanggap na ng kanilang first dose. Samantalang nasa 90% ng parehas na age group ang nakatanggap na ng first dose sa buong estado.
Mula Biyernes, ika-29 ng Oktubre, mababawasan na ang mga restrictions kabilang na ang pag-tigil ng paggamit ng facemask sa labas at ang muling pagbabalik ng interstate travel.
NSW
Sa New South Wales naman, nagtala ang estado ng 294 bagong kaso, apat naman ang nasawi.
Kahit na lahat ng mga magaaral ay balik eskwela na ngayong araw, hindi lahat ng mga guro ay makakapasok agad dahil sa full vaccination mandate.
Pahayag ni Premiere Dominic Perrottet, nasa mahigit 95% ng mga guro sa estado ang mayroon nang first dose kaya mas ligtas na ang pagbabalik eskwela.
Queensland
Sa Queensland naman, walang bagong kaso ang naitala ngayong araw.
"Monday 25 October – coronavirus cases in Queensland:
Mga karagdagang ulat sa Australia sa nakalipas na 24 oras
- Nagtala ng siyam na bagong kaso ng COVID-19 ang ACT
- Magsisimula naman ang apat na linggong programa ng Northern territory na 14-day home quarantine bukas
- Inanunsyo ng Commander Defence of COVID-19 taskforce na si Lt. General John Frewen ang pagsasagawa ng booster doses, matapos ang anim na buwan ng second dose. Ito naman ay hinihintay pang aprubahan ng ATAGI.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: