COVID-19 update:NSW may hudyat sa international travel, ilang restriksyon sa Victoria tatapusin na

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre1 2021

A pharmacy worker receives a temperature sensitive box with Pfizer vaccines at the Sandown Racecourse Vaccination Centre in Melbourne, Tuesday, August 31, 2021.

A pharmacy worker receives a temperature sensitive box with Pfizer vaccines at the Sandown Racecourse Vaccination Centre in Melbourne, Tuesday, August 31, 2021. Source: AAP Image/Daniel Pockett

  • Traces ng COVID-19 natukoy sa maraming bahagi ng New South Wales
  • Higit 70,000 appointments ng AstraZeneca Vaccine binuksan para sa Victoria
  • ACT, tumatanggap ng ng bookings para sa Pfizer vaccine sa edad dise sais hanggang bente nuebe anyos.
 

 


 

New South Wales

Nagtala ng 1,116 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, 4 ang namatay. May natukoy  na traces ng Covid-19 sa wastewater sa Threadbo, Merimbula, Port Macquarie, Dunbogun, Bonnie Hills, Warren, Molong, Tamworth at Gunnedah

Bagama’t mataas pa ang kaso ng virus sa estado, nagbigay na ng hudyat si NSW Premier Gladys Berejiklian na ituloy  ang international travel sa Nobyembre.

Alamin kung paano 

 

Victoria

Nakapagtala nga panibagong 120 na kaso at dalawa ang namatay. Inanunsyo ni Victoria Premier Daniel Andrews ang mga pagluwag ng ilang restriksyon. Kasama ang 5 kilometre radius na pagbyahe, na ginawang 10- Kilometre radius, kapag umabot na sa 70 percent ng populasyon ang makakatanggap nga kanilang unang dose ng bakuna, inaasahan itong mangyayari sa  Setymbre 23.

Makakabalik din sa kanilang trabaho sa konstraksyon sa 50 porsyento na kapasidad, kapag 90 percent na sa mga construction workers ay bakunado sa kanilang unang dose.

Samantala, simula naman sa 7 ng Setyembre prioridad sa listahan na bakunahan silang mga year 12 na estudyante bilang paghahanda sa kanilang General Achievement Test, na gaganapin sa  5 Oktubre, at paalala ng gobyerno walang mangayayaring face- to- face learning sa Term 3.

At simula, madaling araw Setyembre 2 bukas na ang mga playgrounds.

 

Australian Capital Territory

 

Nagtala ng 23 na panibagong kaso ng Covid-19 ang teritoryo, 12 sa mga ito ay nakakahawa habang nasa komunidad.

Bukas na ang Canberra para sa booking appointment sa gamot na  Pfizer para sa edad 16-29 anyos sa mga government vaccination clinics o sa GP's.

Alamin kung pwede ka na makakuha ng .

 

Image
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


 


Share
Published 1 September 2021 3:42pm
By SBS/ALC Content
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Share this with family and friends