NSW scraps hotel and home quarantine, Victoria eases border restrictions with NSW
- Mga fully vaccinated na babyahe sa NSW, hindi na kailangang mag-quarantine simula Nobyembre 1
- Victoria, tatanggalin na ang quarantine requirements para sa mga residente ng NSW na kumpleto na ang bakuna
- At regional travel sa NSW, ipagpapaliban hanggang Nobyembre 1
New South Wales
Magtala ng 399 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, at tatlo ang namatay.
Kinumpirma ni Premier Dominic Perrottet na magluluwag ng ilang restriksyon sa Lunes matapos maabot ng estado ang 80 per cent na double dose vaccination.
Aniya ang mataas na antas ng pagbabakuna sa estado ay nangangahulugang pwede nang ihinto ang hotel quarantine para sa mga papasok ng bansa at home quarantine simula Nobyembre 1, para sa mga kumpleto na ang bakuna.
Kakailanganing magpakita ng negatibong PCR test bago pasakayin ng eroplano ang mga pasahero. Magpapatupad din ng mga testing regimes para sa mga darating na byahero. Kinakailangan ding aprubado ng TGA ang bakuna ng mga ito.
Uunahin pa din ang mga magbabalik sa bansa na mga Australyano.
Simula Lunes, pwede nang magtipon sa bahay ang hanggang 20 katao, at hanggang 50 katao naman sa mga pagtitipon sa labas.
Ipagpapaliban din ang regional travel hanggang Nobyembre 1.
Victoria
Nagtala ang Victoria ng 2,179 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw at anim ang namatay.
Papayagan nang hindi mag-quarantine ang mga manggagaling ng NSW na may kumpleto nang bakuna.
Para naman sa mga babayahe sa Victoria, kinakailangang makakauha ng negatibong resulta ng test sa loob 72 oras bago dumating sa estado.
Ipinapatupad na din ngayon ang COVID-19 vaccine mandate ng estado para sa mga otorisadong manggagawa, at kinakailangang nakakuha na ng isang dose o nakapagpa-book na ng bakuna para makapagtrabaho on site.
Sa Australian Capital Territory naman ay may naitalang 35 na panibagong kaso ng COVID-19. Sa ngayon, umabot na sa 1,394 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso at isang babaeng nasa edad 70 ang namatay sa isang aged care facility.
Iba pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Tatlong COVID-19 self-test kits, mabibili na sa mga botika simula Nobyembre 1
- Ayon sa Australian Bureau of Statistics, karagdagagang 138,000 na trabaho nawala nitong Setyembre dahil sa mga lockdown sa NSW, Victoria at ACT
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: