COVID-19 Update: Mga estudyante sa NSW balik-eskwela na; Mga paaralan sa Melbourne naghahanda na din sa pagbubukas ng estado

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Oktubre 18, 2021

Staff welcome students back to school after COVID-19 restrictions were lifted, at Glebe Public School in Sydney

Staff welcome students back to school after COVID-19 restrictions were lifted, at Glebe Public School in Sydney. Source: AAP/Bianca De Marchi

  • Economic package para sa mga outdoor businesses, inanunsyo sa Victoria
  • Mga estudyante sa NSW, balik-eskwela na
  • At lockdown sa Tasmania, tatapusin na 

Victoria

Nagtala ng 1,903 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria at pito ang namatay.

Inanunsyo naman ni Employment Minister Jaala Pulford na magkakaroon ng economic package na nagkakahalaga ng $54 milyon para matulungan ang mga  negosyo na makapag-setup sa labas, kabilang dito ang mga gym, outdoor retail, beauty at personal businesses.

Samantala, umabot na sa 89.2 per cent ang mga nakakuha na ng unang dose na may edad 16 pataas, habang 66.5 per cent naman ang kumpleto na ang bakuna.

Tatapusin na din ang lockdown sa Melbourne sa darating na Huwebes Oktubre 21. Sa parehong araw, inaasahan ding magbabalik-eskwela ang mga estudyanteng nasa Year One at Year Two, habang ang mga natitirang estudyante ay magbabalik eskwela sa Biyernes, Oktubre 22.

Alamin kung saan may 

New South Wales

Nagtala ng 265 na panibagong kaso ang New South Wales at lima ang namatay.

Sa ngayon, umabot na sa 92 per cent ang mga nakakuha na ng unang dose na may edad 16 pataas habang 80.3 per cent na ang kumpleto ang bakuna.

Samantala, balik-eskwela na ngayong araw ang mga estudyante na Year 12, Year One at kindergarten.

Alamin kung paano .  

ACT

Sa Australian Capital Territory naman, ay may naitalang labing pitong kaso ng COVID-19, at labing-isa dito ay konektado sa kasalukuyang outbreak. Sa labing-pito na nasa ospital, siyam dito ay nasa intensive care.

Narito naman ang ilan pang kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Queensland, walang bagong naitalang kaso ng COVID-19
  • At Southern Tasmania at Hobart, magtatapos na ang lockdown ngayong alas-sais ng gabi. 
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 18 October 2021 3:22pm
Updated 18 October 2021 4:00pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends