- NSW nagbukas ng state-wide COVID vaccination blitz para sa mga katutubong komunidad
- Pampublikong transportasyon patungo sa CBD Melbourne sinuspende ng anim na oras
- Unang dose ng Moderna vaccine dumating na sa Australia
- Mahigit apatnapung porsyento ng Queensland bakunado na
New South Wales
Nakapagtala ang NSW ng 1,331 panibagong kaso ng COVID-19 at anim na kamatayan. 1,219 ang kasalukuyang nasa pagamutan.
Iniulat ni Dr Jeremy McAnulty ng NSW Health na 81.2 porsyento ng populasyon ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng bakuna habang 50.6 porsyento naman ang fully vaccinated.
Nagpatakbo ang New South Wales Health ng state-wide COVID-19 vaccination blitz para sa katutubong komunidad ngayong weekend. Babakunahan ng Pfizer vaccine ang mga katutubong may edad dose anyos pataas.
Victoria
Pumalo sa 535 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Victoria at isang kamatayan ang naitala. 62 sa mga kaso ang konektado sa mga naunang outbreak.
Sinuspende naman ng anim na oras ang pampublikong transportasyon sa Melbourne CBD upang mapigilan ang pinaplanong anti-lockdown protests. Nagbabala ang kagawaran ng transportasyon ng Victoria na tanging mga essential workers at mga magpapabakuna lamang ang papahintulutang makapasok sa CBD.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- ACT nagtala ng 15 panibagong kaso ng COVID-19, pito ang nasa komunidad habang nakakahawa
- Umabot na sa 40.54 porsyento ng mga residente ng Queensland ang fully vaccinated
- Dumating na sa Australia ang unang dose ng Moderna vacccine at inaasahang isang milyong dose ang darating sa bansa ngayong weekend
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: