COVID-19 update: NSW nakapagtala ng 319 local cases, habang Victoria may 29 local cases

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 7 2021

NSW Health workers outside an apartment block on Campbell Street in Liverpool, after fourteen cases of COVID-19 were confirmed in the building, August 7, 2021.

NSW Health workers outside an apartment block on Campbell Street in Liverpool, after fourteen cases of COVID-19 were confirmed in the building, August 7, 2021. Source: AAP/Bianca De Marchi

  • Magkakaroon ng pitong araw na lockdown sa LGA ng Armidale sa NSW 
  • Bilang ng mga exposure sites sa Victoria, patuloy na dumarami
  • Mga taga-Queensland, nag-aabang ng anunsyo tungkol sa pagtatapos ng lockdown
New South Wales

Lumalala ang krisis ng COVID-19 sa New South Wales matapos nakapagtala ng 319 panibagong locally acquired cases ang estado. 51 sa mga nasabing kaso ang nasa komunidad habang infectious.

210 sa 319 na mga kaso ang nagmula sa south-west Sydney.

Iniulat ng NSW authorities ang limang kamatayan sa loob ng isang gabi. Lima sa mga pumanaw ay hindi bakunado.

Magkakaroon ng pitong araw na lockdown sa local givernment area ng Armidale sa regional NSW  simula 5pm ngayong araw hanggang 12:01 ng Linggo, Agosto 15.

Narito ang listahan ng mga  .

Victoria

Nakapagtala ang Victoria ng 29 panibagong locally acquired na mga kaso at hindi naka-quarantine ang mga nasabing kaso habang infectious. Konektado ang mga kaso sa kasalukuyang outbreak.

Nagbabala ang awtoridad na ang numero ng mga exposure sites sa Victoria ay dumarami. Apat na paaralan sa Melbourne ang konektado sa mga positibong kaso.

Narito ang listahan ng mga 

Queensland

Nakapagtala ang Queensland ng 13 panibagong locally acquired cases at konektado ang lahat ng kaso sa Indooroopilly cluster. Tumatayo sa 144 ang aktibong kaso sa Queensland.

Sinabi ni Chief Health Officer, Doctor Jeannette Young, hihintayin muna nila ang mga bilang sa Linggo bago magdesisyon kung tatapusin ang lockdown ayon sa plano.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 7 August 2021 2:36pm
By SBS/ALC Content
Presented by Claudette Centeno
Source: SBS


Share this with family and friends