- Ang bilang ng mga tao sa ospital sa Australya ay patuloy na tumataas. Ang pinakamataas na bilang ay nasa NSW, na lumagpas na sa 1,000 hospitalisations noong Linggo. Nasa 1,204 ang tala ng estado ngayon.
- Sa NSW, ang bilang ng coronavirus patients sa ICU ay tumaas mula 83 patungong 95. Sa Victoria, may 491 na katao na nasa state hospitals dahil sa virus; 56 ay nasa ICU at 24 ay naka-ventilator.
- Babala ng Health Services Union (HSU) na nararamdaman na ng mga pagod na staff ng mga ospital sa NSW ang epekto ng "under-investment". Saad ng unyon na aabot ng critical phase ang hospital system sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.
- Saad ni Treasurer Josh Frydenberg na bumili ang pamahalaan ng mas marami pang rapid antigen tests (RATs). Inaasahan na tatanggap na mas marami pang supply ang mga estado pagkatapos nilang bumili ng 84 million tests.
- Ayon kay Prime Minister Scott Morrison, magiging libre ang rapid antigen tests para sa mga close contacts, ngunit, hindi ito gagawing libre para sa lahat.
- Saad ng United States' top infectious diseases official na si Dr Anthony Fauci habang halos "vertical increase" ang nararanasan ng mundo ngayon dahil sa Omicron variant, maaring ilang linggo na lang at darating na ang tugatog nito.
COVID-19 STATS:
May 20,794 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at apat ang namatay, habang may 8,577 na naiulat na bagong kaso sa Victoria at tatlong namatay.
May 4,249 na bagong kaso sa Queensland, habang may isang lalaki sa kanyang 30s na maaaring namatay sa virus, ayon sa premier ng estado.
May 514 na kaso sa ACT, habang 466 ang positibo para sa virus sa Tasmania.
Quarantine and restriksyon kada estado:
Travel
Pampinansyal na tulong
May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:
- Balita at impormasyon para sa higit na 60 na wika sa
- Relevant guidelines para sa iyong estado o teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon ukol sa