- 6 na milyong doses ng COVID-19 vaccine, naiturok na sa mga residente ng NSW
- Victoria, mas pinalawig pa ang listahan ng mga pwede nang magpabakuna
- Pinakamataas ng kaso ng COVID-19 sa ACT, naitala ngayong araw
New South Wales
Nagtala ng 753 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, 49 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Ayon kay Premier Gladys Berejiklian, umabot na sa anim na milyong bakuna kontra COVID-19 ang naiturok na sa mga residente, at pumalo na sa 60 porsyento ang mga nakakuha ng kanilang unang dose ng bakuna.
Samantala , uunahin namang bakunahan ang mga residente na nakatira sa s, kabilang dito ang mga nasa edad 16 hanggang 39 at nagtatrabaho sa disability at childcare centres.
Nangako naman ang otoridad na luluwagan ang mga restriksyon ngayong linggo para sa mga residente na nakakuha na ng dalawang doses ng bakuna.
Victoria
Nagtala ng limampung panibagong kaso ang estado, sampu sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. 39 sa mga kaso ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Ayon kay Premier Daniel Andrews, pwede nang makakuha ng Pfizer o Astrazeneca vaccine ang mga nasa edad 16 pataas, simula Miyerkules, Agosto 25.
Australian Capital Territory
Naitala ang panibagong 30 panibagong kaso ng COVID-19, 17 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Magbabalik-operasyon ang mga testing sites sa Kambah at Brindabella Business park bukas, matapos ito magsara dahil sa masamang panahon.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Queensland, nagtala ng dalawang panibagong kaso ng COVID-19 at kasalukyan itong iniimbestigahan
- Doherty Institute, iginiit na mananatiling ligtas na tapusin ang lockdown kapag naabot nito ang target na 70 o 80porsyento na vaccination rate. Hindi umano mahalaga ang dami ng bilang ng kaso, basta’t maipapatupad ang mga patakaran para maging ligtas ang publiko.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: