- Bilang ng COVID-19 patients na nasa ospital, pumalo na sa higit 1,000
- 50,000 bookings para sa Astrazeneca vaccine, bukas para sa mga residente ng Victoria
- ACT, nagtalaga ng 12-week moratorium para maiwasang mapaalis ang mga nangungupahan
New South Wales
Nagtala ng 1431 na panibagong kaso ang New South Wales, at 12 ang namatay.
Ayon kay Premier Berejiklian, asahang mas lalala pa ang sitwasyon sa mga susunod na linggo.
Sa ngayon, umabot na sa 979 ang mga tinamaan ng COVID na na-admit sa mga ospital. 160 dito ay nasa intensive care at 63 ang naka-ventilator. Inaasahan ng otoridad na tataas pa ang bilang ng mga kaso sa susunod na dalawang linggo.
Victoria
Nagtala ng 208 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, 96 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak. Isang lalaki na nasa 60s ang namatay.
Ayon kay Premier Andrews, sisimulan nang bakunahan ang mga estudyante na Year 12 simula sa darating na Martes, 7 Setyembre. Susunod namang babakuhanan ng Pfizer COVID-19 vaccine ang mga kabataang nasa edad 12.
Australian Capital Territory
Samantala, nagtala ng 18 panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory, 15 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Nagtalaga ang gobyerno ng para maiwasang mapaalis ang mga nangungupahang hirap makabayad ng renta dahil nawalan ng trabaho ngayong naka-lockdown ang teritoryo.
Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Simula Lunes, Setyembre 6, magagamit na ang 680 na kwarto sa hotel quarantine, matapos pansamantalang itinigil ang pagtanggap ng mga bibisita sa estado dahil sa isyu ng kapasidad ng mga hotel.
- Higit 20 porsyento lamang ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander na nasa edad 16 pataas ang nabakunahan na ng dalawang dose.
- Mga healthcare workers sa Tasmania, obligado nang magpabakuna, ayon kay Acting Premier Jeremy Rockcliff

Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: