COVID-19 update: NSW Premier hinihikayat ang mga residente na limitahan ang kontak sa ibang tao

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Hulyo 30 2021

People cross an empty street in The Rocks, Sydney, Thursday, July 8, 2021. NSW has recorded 38 new locally acquired COVID-19 cases overnight, the highest daily number of new cases in 14 months. (AAP Image/Bianca De Marchi) NO ARCHIVING

People cross an empty street in The Rocks, Sydney. Source: AAP Image/Bianca De Marchi

  • Mga sundalo tutulong sa NSW Police para maipatupad ang mga health orders
  • Mystery case sa Victoria, natukoy na
  • Paaralan sa Brisbane sasailalim sa deep cleaning matapos magpositibo ang isang estudyante sa COVID-19
  • Tasmania, bubuksang muli ang border sa mga taga-Victoria

New South Wales

Nakapagtala ng 170 na bagong kaso ng coranvirus ang estado, 42 sa mga ito ay sinasabing infectious o nakakahawa habang nasa komunidad.

Hinihikayat ngayon ni Premier Gladys Berejiklian ang mga residente na limitahan ang kontak sa ibang tao habang patuloy ang pagkalat ng virus sa mga opisina at hawaan sa magkakapamilya.

Nagbigay naman ng babala si Police Commissioner Mick Fuller sa mga nagbabalak pumunta sa mga kilos-protesta kaugnay sa lockdown, aniya “haharapin nila ang libo-libong pwersa ng pulisya”.

300 sundalo naman ang ide-deploy simula Lunes para masiguro na mananatili sa bahay ang mga residente at hindi makikihalubilo sa ibang mga kamag-anak habang naka-lockdown.

Victoria

Nakapagtala ng tatlong bagong kaso ng coronavirus ang estado, at lahat ng mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak at naka-isolate habang infectious o nakakahawa.

Ayon kay Victoria Health Minister Martin Foley natukoy na ang isang iniimbestigahang kaso kaugnay ng outbreak sa pamamagitan ng genomic testing. Pero hindi pa rin nila alam kung paano nito nakuha ang virus.

Basahin ang mga

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia

  • Estudyante na nagpositibo sa COVID-19 sa Brisbane, tatlong araw na nasa komunidad habang infectious nakakahawa ayon sa otoridad
  • Tasmania, muling bubuksan ang border nito sa mga taga-Victoria matapos ang dalawang linggo

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment

Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa  website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


 


Share
Published 30 July 2021 2:34pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends