- Fully vaccinated na mga residente ng NSW, pumalo na sa 40.8%
- Victoria, naganunsyo ng bagong programa para sa mga hirap makabayad ng renta
- Second dose ng Astrazeneca vaccine sa ACT, pwede nang gawin pagkatapos ng apat hanggang walong linggo
- Bilang ng mga GP na pwedeng mag-turok ng Pfizer vaccine sa Queensland, inaasahang tataas pa
New South Wales
Nagtala ng 1,281 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales, 831 sa mga ito ay natukoy mula sa west at southwest Sydney. Lima ang naiulat na namatay.
Ayon kay Premier Berejiklian, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga na-aadmit sa ospital kapag naabot ang 70 porsyento ng vaccination rate, pero aniya hindi ito makakaapekto sa pagluluwag ng mga restriksyon. Sa ngayon, umabot na sa 177 ang tinamaan ng COVID-19 na nasa intensive care, 67 sa mga ito ay kinakailangan ng ventilator.
Victoria
Nagtala ng 246 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria, 121 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak.
Ayon kay Housing Minister Richard Wynne, maglalabas ang gobyerno ng suporta para sa mga hirap makabayad ng renta. Kabilang sa ang ayuda para sa mga nagbabayad ng higit 30 porsyento ng kanilang sahod para sa renta at mga nagpapaupa na nawalan ng higit sa 20 porsyento ng kanilang kita.
Australian Capital Territory
Nagtala ng 11 panibagong kaso ng COVID-19 ang Australian Capital Territory, at pito sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Para naman sa mga nakakuha ng unang dose ng AstraZeneca, pwede nang magpabook ng mas maaga sa kanilang panagalawang shot ng bakuna gamit ang . Maaari ding tumawag sa (02) 5124 7700 mula 7am hanggang 7pm.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Sa Queensland, mayroong na ang pwede magbigay ng Pfizer COVID-19 vaccine, at inaasahang magkakaroon pa ng dagdag na 642 na mga doktor ang mapapabilang sa programa sa mga susunod na linggo
- At halos kalahating milyong doses ng Pfizer dumating na sa Sydney nitong Linggo, Setyembre 5. Ito ang bunga ng napagkasunduang vaccine swap deal ng bansa sa UK.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: