COVID-19 update: NSW Premier umaasa na magiging 'COVID normal' na ang estado pagdating ng Disyembre 1

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 27, 2021

Birrong Leisure and Aquatic Centre

Public arrives at the Birrong Leisure and Aquatic Centre, after outdoor swimming pool were allowed to open today in Sydney, Monday, September 27, 2021. Source: AAP Image/Bianca De March

  • Three-stage roadmap ng NSW palabas ng lockdown, kasado na 
  • Grant para sa mga GP at botika para mahikayat ang mga residente na magpabakuna, inanunsyo ng Victoria
  • At sa ACT, isa ang namatay dahil sa COVID-19 dala ng kasalukuyang outbreak

New South Wales

Nagtala ng 787 na bagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at 12 ang namatay.

Pwede na magbukas ang mga outdoor pool at papayagan na din mag-operate sa full capacity ang mga construction sites na may COVID safety plans.

Kinumpirma ni Premier Gladys Berejiklian na magluluwag pa ang mga restriksyon sa Oktubre11 at magkakaroon pa ng mga pagbabago kapag naabot na ng estado ang 80 percent na target nito para sa mga nabakunahan na ng dalawang dose.

Sa Disyembre 1, inaasahang magiging ‘COVID-normal’ na ang New South Wales kapag naabot nito ang 90 percent na double-dose vaccination.

Victoria

Nagtala ng 705 na panibagong kaso ng COVID-19 ang estado at isa ang namatay.

Inanunsyo ni Premier Daniel Andrews na may mga grants na pwede nang ma-access ang mga GP at lokal na botika para mas mahikayat na magpabakuna ang mga residente na nakatira sa mga lugar na may matataas na kaso. Kabilang dito ang Moreland, Brimbank, Cardinia, Casey, Darebin, Greater Dandenong, Hobsons Bay, Melton, Whitlesea, Windsor, at Hume.

Australian Capital Territory

Sa Australian Capital Territory naman ay may naitalang 19 na bagong kaso ng coronavirus at isa ang namatay.

Papayagan nang bumisita sa ibang bahay ang hanggang dalawang katao at simula Oktubre 1, pwede nang lumabas para maglibang hanggang apat na oras.

Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 27 September 2021 3:58pm
Updated 27 September 2021 4:11pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends