COVID-19 Update: Plano sa pagbabalik-eskwela, tatalakayin sa Pambansang Gabinete

Narito ang pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 13 Enero 2022

Traffic controllers direct cars at a drive-through COVID-19 testing clinic at Bondi Beach in Sydney.

Traffic controllers direct cars at a drive-through COVID-19 testing clinic at Bondi Beach in Sydney. Source: AAP

  • Nagtala na naman ng pinakamataas na kaso ang NSW matapos umabot sa 92,264 na panibagong kaso ang naitala ngayong araw. At sa unang pagkakataon, kasama sa bilang na ito ang mga nagsumite ng positibong resulta gamit ang rapid antigen test.
  • Sa kabuuang bilang ng mga kaso sa NSW, 30,877 ang nagpositibo sa PCR tests habang 61,387 naman ang nagpositibo gamit ang RAT.
  • Sinimulan ngayong Miyerkules ang mandatory na pagrereport ng resulta ng RAT. Dagdag pa dito, kailangan din isama ng mga residente ang resulta ng mga naunang test simula ng mag-umpisa ang taon. 
  • Nagtala na naman ng pinakamataas na bilang ng namatay ngayong araw ang NSW, kung saan umabot sa 22 ang naiulat na namatay dahil sa virus
  • Sa Victoria, nagtala ang estado ng 37,169 na panibagong kaso at 25 ang namatay dahil sa virus. 953 ang nadala sa ospital, kasama dito ang 111 na nasa intensive care at 29 ang nangailangan ng ventilator.
  • Simula ngayong Huwebes, isasara na ang mga sayawan sa hospitality at entertainment venues sa Victoria
  • Plano sa pagbabalik-eskwela ng mga bata sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 tatalakayin sa pambansang gabinete ngayong araw
  • Babala ng WHO, huwag magpakakampante sa Omicron variant. Ayon sa mga eksperto, mapanganib ito lalo na mga hindi pa bakunado.
  • Giit din ng WHO na hindi natatapos sa variant na ito ang laban ng buong mundo para wakasan ang pandemya. 
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo

Covid-19 Stats:

Nagtala ang NSW ng 92,264 na panibagong kaso at 22 ang namatay dahil sa virus. 30,877 ang nagpositibo sa PCR tests habang 61,387 naman ang nagpositibo gamit ang RAT.

Umabot naman sa 37,169 ang naitalang panibagong kaso sa Victoria. 16,843 sa mga ito ay mula sa RAT at 20,326 ay galing sa PCR tests. 

Nagtala ang Queensland ng 14,914 na panibagong kaso at anim ang namatay. 556 ang bilang ng nadala sa ospital, 26 ang nasa ICU at 10 ang nangailangan ng ventilator. 

Sa Tasmania, nagtala ng 1,100 na panibagong kaso ang estado, habang 550 naman ang naitala sa Northern Territory, 

Nagtala naman ng 1,020 na kaso ang ACT mula sa PCR testing. 


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 13 January 2022 4:47pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends