- Mga residente ng Greater Sydney na naka-temporary visa, makakatanggap ng ayuda mula sa Red Cross
- Priority vaccine scheme para sa Year 12 students sa Victoria, kasado na
- Vaccination at testing appointments binuksan para sa mga may kapansanan sa Canberra
- South Asutralia at Queensland, walang naitalang mga bagong caso ng COVID-19
New South Wales
Nagtala ng 1,220 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales habang walo ang namatay.
Hinihikayat ni Aunty Pauline Deweerd, Director ng Aboriginal Health sa St Vincent’s hospital, ang mga Aboriginal communities na magpabakuna sa lalong madaling panahon. Inaasahan ng mga otoridad na aabot pa sa 1,500 ang average na mga bagong kaso kada linggo sa buwan ng Setyembre.
Samantala, magbibigay naman ng isahang kabayaran na $400 ang Red Cross para sa mga naka-temporary visa o sa mga walang hawak na visa na naapektuhan ng kasalukuyang lockdown sa Sydney. Ito’y sa pamamagitan ng.
Victoria
Nagtala ng 246 na panibagong kaso ng coronavirus at umabot na 1,786 ang bilang ng mga aktibong kaso.
Target ng otoridad na mabakunahan ang lahat ng Year 12 na estudyante ng kahit isang dose ng bakuna bago ang kanilang final exams. Maaari na magpabook ng Pfizer vaccine ang Year 12 students, mga guro at staff na mangngasiwa ng final exams sa ilalim ng 10-day priority access scheme
Australian Capital Territory
Nagtala ng labingsyam na panibagong kaso ng COVID-19 ang teritoryo at anim sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.
Samantala, ginawan naman ng paraan ng pamahalaan ng ACT para mas madaling ma-access ang pagpapabakuna at pagpapatest para sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng paglipat ng Access and Sensory Clinic sa Weston Community Health Centre.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: