COVID-19 update: Lagpas na sa walong milyon ang bakunado sa NSW, habang sa Victoria umabot na ng 39 porsyento

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 11, 2021

People wearing face masks hold hands while walking through Carlton Gardens in Melbourne, Saturday, September 11, 2021. Victoria has recorded 450 new locally-acquired COVID-19 cases in the past 24 hours. (AAP Image/James Ross) NO ARCHIVING

Source: AAP/James Ross

  • NSW hinihikayat ang mga residente sa mga rehiyon na magpa-test
  • Sa Victoria, 39 porsyento ng populasyon bakunado na
  • ACT nagtala ng 15 at Queensland nagtala ng limang kaso ng virus
New South Wales
Nagtala ang NSW ng 1,599 panibagong kaso ng COVID-19 at walong kamatayan. Pumalo na sa 170 ang bilang ng kamatayan na dulot ng COVID simula ng outbreak.

Nadetect ang mga fragment ng COVID-19 sa sewage treatment plant ng Byron Bay, Bangalow, Jindabyne, Harden, Moruya, Yass, Port Macquarie, Trangie at Young. Nababahala and mga awtoridad dahil wala pang natukoy na mga kaso sa mga nasabing lugar. Hikayat ng awtoridad sa lahat na bantayan ang mga sintomas at kaagarang magpatest.

Lagpas na sa walong milyon ang antas ng pagbabakuna  sa estado kung saan 44.5 porsyento ang fully vaccinated.

Victoria

Nakapagtala ang Victoria ng 450 panibagong kaso ng virus kung saan mahigit 70 porsyento ng mga kaso ay nagmula sa northern suburbs.

Simula Linggo 12 ng Setyembre, eligible para sa priority vaccine booking sa mga state-run clinics ang mga buntis ng 24 weeks pataas.

Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • ACT bakunado na ang kalahati ng kanilang populasyon na may edad 16 pataas.
  • Mahigit 1,000 pamilya ang naka-quarantine sa Brisbane matapos nakapagtala ng limang panibagong kaso ng virus.
  • Sa South Australia magiging available na simula 13 ng Setyembre ang Pfizer COVID-19 vaccine sa lahat ng mga residente na edad 12 pataas kabilang ang mga 60 pataas.
COVID-19 myths
Source: SBS


Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 

Share
Published 11 September 2021 2:34pm
Updated 11 September 2021 3:32pm
By SBS/ALC Content
Presented by Claudette Centeno-Calixto
Source: SBS


Share this with family and friends