- $21 milyong package inanunsyo ng Victoria para mapataas ang vaccination rate
- Paglobo ng kaso sa regional NSW, ikininababahala ng estado
- ACT, magluluwag pa ng mga restriksyon
Victoria
Nagtala ang Victoria ng 1,749 na panibagong kaso ng COVID-19 at 11 ang namatay.
Umabot na sa 89.4 per cent ang nakakuha na unang dose na may edad 16 pataas, habang 67.2 percent naman ang may kumpleto na ang bakuna.
Naglaan ng $21 milyong pondo si Premier Daniel Andrews para mapataas ang bilang ng mga nagpapabakuna sa estado. Kasama sa plano na magdagdag ng mga pop up vaccination clinics, booking appointments, transportasyon at iba pang alternatibo para mas mapadami ang bilang ng mga nagpapabakuna sa komunidad.
Kinumpirma na din ng gobyerno na iiksian ang isolation period sa oras na maabot ng estado ang 70 percent double vaccination target.
New South Wales
Nagtala ng 273 na panibagong kaso ng COVID-19 ang New South Wales, at apat ang namatay.
Sa ngayon, mababa pa sa 75 per cent ang antas ng mga nabakunahan na ng unang dose na may edad dose hanggang kinse, habang umabot na sa 35.5 per cent ang kumpleto na ang bakuna.
Nalampasan na ng NSW ang 80 per cent na vaccination target para sa mga nakakuha ng dalawang dose.
Ayon kay Chief Medical Officer Dr Kerry Chant, nababahala pa rin ang estado sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga regional areas.
ACT
Sa Australian Capital Territory naman ay may naitalang 24 na panibagong kaso, 21 sa mga ito ay konektado sa kasalukuyang outbreak.
Inaasahang magluluwag din ang mga restriksyon sa ACT matapos maabot ng territoryo ang target na 80 per cent double vaccination rate para sa mga may edad 12 pataas.
Simula Oktubre 21, lahat ng essential at non-essential retail businesses ay papayagan nang magbukas.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: