- NSW pinalawak ang eligibility para sa mga COVID-19 vaccination
- West ng Melbourne nakapagtala ng 60 porsyento ng mga panibagong kaso sa estado
- ACT nakapagtala ng 26 panibagong locally acquired cases
- Mga bagong COVID-19 exposure site sa South Australia inilabas
New South Wales
Nakapagtala ang NSW ng 1,035 panibagong locally acquired cases kung saan 714 ang nagmula sa south-western Sydney. Dalawa katao na nasa kanilang 70s at 80s ang nasawi sa virus.
Sa mas pinalawak ang edad ng priority group kung saan maari nang makapagpabakuna ang edad 40-49. Prayoridad din ang mga grocery at meat workers na nagtatrabaho sa mga hotspots kahit na hindi sila doon nakatira.
Papaluwagan ng NSW Health ang mga restriksyon sa kaganapan na tulad ng kasal. Papahintulutan ang limang bisita simula ika-3 ng Setyembre.
Kakailanganin ng mga awtorisadong manggagawa na mag- para sa mga babyahe papasok at papalabas ng 12 government areas of concern. I-book na agad ang inyong .
Victoria
Nakapagtala ang Victoria ng 64 locally acquired cases kung saan konektado ang 49 sa mga kilalang outbreak habang 15 ang kabilang sa mga mystery cases.
Sinabi ni Health Minister Martin Foley na nakakabahala ang mga kaso sa western suburb ng Melbourne kabilang ang Wyndham, Newport, Altona North at Hume.
Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia
- Naglabas ang SA Health ng listahan ng dalawang petrol station sa Port Augusta at dalawa sa Ceduna bilang mga matapos dalawang truck drivers mula sa NSW ang nagpositibo sa coronavirus.
- Simula 24 September, ang mga may edad 18 pataas na dadating mula sa ACT, NSW at Victoria ay mangangailangang magbigay ng ebidensya na sila ay bakunado ng unang dose bago makakapasok sa SA.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: