COVID-19 Update: Mga residente ng NSW, kinakailangan na i-report ang resulta ng kanilang RAT

Narito ang mga pinakabagong Coronavirus update sa Australia ngayong 12 Enero 2022.

Paramedics tending to their ambulance outside St Vincent hospital in Melbourne.

Paramedics tending to their ambulance outside St Vincent hospital in Melbourne. Source: AAP

  • Pinakamataas na bilang ng namatay dahil sa COVID-19, naitala ngayon sa Australia. Sa NSW at Victoria, umabot na sa 42 katao ang naiulat na namatay.
  • Kinakailangan nang i-report ng mga residente ng NSW kung magpositibo sila sa virus gamit ang rapid antigen test. Maaring i-submit ang resulta ng RAT sa pamamagitan ng Service NSW app at simula sa Enero 19, pagmumultahin ng $1,000 ang sinumang hindi makapagsumite ng positibong resulta.
  • Halos 90 porsyento ng mga kaso sa NSW ay Omicron variant, ayon kay Chief Health Officer Kerry Chant.
  • Nagtala ang Victoria ng 40,127 na panibagong kaso ng COVID-19 at 21 ang namatay.
  • Sumipa naman sa 946 ang bilang ng mga na-ospital sa Victoria, 112 sa mga ito ay nasa ICU at 31 ang nangailangan ng ventilator. 
  • Sa Queensland, umabot sa 525 ang bilang ng mga dinala sa ospital dahil sa virus. 30 sa mga ito ay nasa ICU at 31 ang nangailangan ng ventilator. 
  • Nagpapatuloy pa rin ang mga pagpupulong kada Miyerkules. Kaugnay dito, luluwagan ang patakaran sa pag-iisolate sa ilang mga sektor matapos magkaroon ng supply chain issues dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa. 
  • Babala ng WHO, hindi umano mainam na stratehiya ang paulit-ulit na booster doses ng naunang bakuna, laban sa mga bagong umuusbong na variant. Nanawagan din ito na sana'y magkaroon ng bagong bakuna na mabibigay-proteksyon para hindi mahawa sa virus. 
  • Ayon kay WHO Europe director Hans Kluge, higit sa kalahati ng mga taga-Europe ay inaasahang maaapektuhan ng Omicron variant sa susunod na anim hanggang walong linggo.
RAT registration forms ng iba't-ibang estado at teritoryo

Covid-19 Stats:

Nagtala ang NSW ng 34,759 na panibagong kaso at 21 ang namatay. 

Umabot naman sa 40,127 ang naitalang panibagong kaso sa Victoria at 21 ang namatay. 18,434 sa mga ito ay galing sa rapid antigen tests.

Sa Queensland, may naitalang 22,069 na panibagong kaso ang estado. 3,985 dito ay galing sa rapid antigen tests.


Quarantine at resktrikyon sa bawat estado

Pagbyahe

Mga dapat alamin kung ikaw ay  at narito naman ang impormasyon tungkol sa Covid-19 at pagbyahe na isinalin sa 

Tulong pinansyal

Narito ang ilang impormasyon kaugnay sa COVID-19 Disaster payment sa oras na maabot ang 70 at 80 porsyento ng vaccination rate: .


Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 12 January 2022 1:06pm
Updated 12 January 2022 3:12pm
Presented by Roda Masinag


Share this with family and friends