COVID-19 update: Curfew sa NSW, tatanggalin na; Ballarat sasailalim sa lockdown

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 15, 2021

 Marrickville, Sydney, Wednesday, September 15, 2021.

Members of the public wear face masks as they go about their daily lives in Marrickville, Sydney, Wednesday, September 15, 2021. Source: AAP Image/Bianca De March

  • Sa NSW, 47.5 porsyento ng populasyon na may edad 16 pataas, bakunado na
  • Lockdown sa Shepparton, tatapusin na mamayang hatinggabi
  • Sa ACT, aabot na sa 75 porsyento ang nabakunahan na ng first dose
  • At sa Queensland, walang bagong naitalang kaso

New South Wales

Nagtala ng 1,259 na panibagong kaso ang New South Wales at apat ang namatay.

Ayon kay Premier Gladys Berejiklian, maabot na ng estado ang target na 80 porsyentong vaccination rate para sa mga nakakuha na ng unang dose ng bakuna. Sa kabila nito, hinihikayat pa rin nya ang mga residente na wag maging kampante.

Simula ngayong hatinggabi, tatanggalin na ang curfew para sa na natukoy na may matataas na kaso. Sa ilalim ng road map ng estado, makakawala na sa lockdown ang mga nabakunahan na ng dalawang dose sa sandaling maabot ng estado ang 70 porsyento ng vaccination rate.

Victoria

Nagtala ng 423 na panibagong kaso ng coronavirus ang Victoria, at dalawa ang namatay.

Sasailalim naman sa lockdown ang greater Ballarat simula ngayong hatinggabi at kailangang sundin ng mga residente ang mga patatakarang ipinapatupad ngayon sa Melbourne, maliban ang curfew.

Magtatapos naman ngayong gabi ang lockdown sa Shepparton matapos walang naitalang bagong kaso sa nakaraang tatlong araw.

Tigil-operasyon pa rin ang mga tren ng V/Line matapos may isang staff na naman na nagpositibo sa virus. Sa ngayon, mga bus lamang muna ang bumbyahe kapalit ng mga tren.

Australian Capital Territory 

Sa Australian Capital Territory, nagtala ng labintatlong panibagong kaso ang teritoryo, walo sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay Chief Minister Andrew Barr, aabot na sa 75 porsyento ng populasyon na may edad 12 pataas ang makakakuha ng isang dose ng bakuna ngayong araw.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Share
Published 15 September 2021 2:41pm
Updated 15 September 2021 2:58pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends