- Isa sa tatlong bata na may edad 12 hanggang 15 sa New South Wales, nakakuha na ng unang dose
- Dagdag na supply ng Moderna vaccine, inanunsyo sa Victoria
- Exposure list sa ACT, lumobo ang bilang
- 50 porsyento ng mga Australyano, bakunado na
New South Wales
Nagtala ng 1043 na bagong kaso ng coronavirus ang New South Wales at 11 ang namatay.
Ilulunsad ng New South Wales ang plano nitong pabalikin ang 500 international students na nabakunahan na ng Pfizer, Moderna o Astrazeneca vaccine.
Samantala, may natukoy namang traces ng COVID-19 sa mga sewage samples sa Lightning Ridge sa western New South Wales, Jindabyne sa southern New South Wales, Crookwell sa Southern Tablelands at South Lismore sa northern New South Wales.
Victoria
Nagtala ng 733 na bagong kaso ang estado, at 84 percent dito ay may edad singkwenta pababa. Isa ang naiulat na namatay.
Ayon kay Health Minister Martin Foley, higit pitong daang botika sa buong estado ang makakatanggap ng 300,000 doses ng Moderna vaccine sa mga susunod na linggo. Dagdag dito, may 32,000 doses naming makukuha ang mga pop-up vaccination sites para sa mga residenteng may edad 12 hanggang 59.
Australian Capital Territory
Sa Australian Capital Territory naman, ay may naitalang 19 na bagong kaso ng coronavirus.
Isang nurse mula sa Calvary Haydon Retirement Community sa Canberra, na bakunado na ng dalawang dose ang nagpositibo sa COVID-19. Sa ngayon, may naitalang 450 na sa teritoryo.

Source: SBS
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa. Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update website.
- Balita at impormasyon na isinalin sa 63 wika sa
- Mga alituntunin sa bawat estado at teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo: