COVID-19 update: NSW nakapagtala ng mataas na bilang ng mga panibagong kaso, Victoria maagang maaabot ang vaccination target

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Setyembre 4 2021.

NSW Police and Australian Defence Force personnel at Olympic Park, Sydney

Source: AAP/Dan Himbrechts

  • NSW nakapagtala ng mataas na bilang ng COVID-19
  • Victoria nakapagtala ng 190 cases habang tumataas ang antas ng pagbakuna
  • ACT aabot na sa 70 porsyento ang antas ng first-dose vaccination
  • SA Health nakapaglista ng dalawang pubs bilang Tier 1 exposure sites

 

New South Wales
Nakapagtala ang NSW ng 1,533 panibagong locally acquired cases at apat na kamatayan kung saan 173 sa mga taong nadapuan ng virus ay nasa intensive care unit at 62 ang kinabitan ng ventilator.

Sinabi ni Health Minister Brad Hazzard, 72 porsyento ng mga eligible na residente ng NSW ang nakatanggap na ng kanilang unang dose, at hindi tataas ng 40 porsyento ang fully vaccinated. Nanawagan ang awtoridad sa mga pulis at emergency worker mula sa 12 LGA na tinuturing na hotspot na magpabakuna ngayong weekend.

Maaring i- ngayong araw.

Victoria
Nakapagtala ang Victoria ng 190 panibagong local cases, 103 dito ang konektado sa kilalang mga outbreak. Patuloy na iniimbestigahan ang pinagmulan ng 87 sa mga impeksyon.

Habang inaasahang maagang maaabot ng estado ang 70 porsyento ng first-dose vaccination, nag-anunsyo si Minister Martin Pakula ng pagpapalawig ng mga .

Narito ang listahan ng mga .

Mga huling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Moderna COVID-19 vaccine aprubado na ng Therapeutic Goods Administration para sa mga bating may edad 12 pataas.
  • ACT nakapagtala ng 32 panibagong kaso ng COVID-19 kung saan 19 ang nasa komunidad habang nakakahawa. Nakatakdang umabot ng 70 porsyento ang antas ng firs-dose vaccination ngayong weekend.
  • Queensland, isang apat na taong gulang na bata ang nagpositibo sa COVID-19
  • Sinabi ng SA health na dalawang pub sa Adelaide North ang binisita ng truck driver na nagpositibo sa COVID-19. Ang sinumang pumunta sa pub ay dapat ng 14 araw
COVID-19 myths
Source: SBS
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 




Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 


Share
Published 4 September 2021 3:40pm
By SBS/ALC Content
Presented by Claudette-Centeno-Calixto
Source: SBS


Share this with family and friends