COVID-19 Update: Binawasan ng NSW Health ang quarantine time para sa mga healthcare staff

Ito ang pinakabagong update sa Coronavirus sa Australya para sa 28 Disyembre 2021.

The Exterior of St Vincent’s Hospital is seen at Darlinghurst in Sydney, Monday, December 27, 2021.  (AAP Image/Mick Tsikas) NO ARCHIVING

The Exterior of St Vincents Hospital is seen at Darlinghurst in Sydney, Monday, December 27, 2021. Source: AAP/Mick Tsikas

  • Binawasan ng NSW Health ang araw ng quarantine ng healthcare staff at maaari na silang umalis sa isolation at bumalik sa trabaho pagkatapos ng pitong araw imbis na 14.
  • Inamin ng St Vincent's Hospital sa Sydney ang dalawang pagkakamali sa testing at sinabi noong Lunes na halos 1,000 katao ang sinabihan na negatibo sila para sa COVID kahit hindi pa dumadating ang kanilang mga resulta.
  • Lumalaki ang backlog sa mga pila para sa PCR testing sa NSW dahil sa mga travel requirements ng Queensland.
  • Inanunsyo ng Health minister na si Yvette D’Ath na tatanggalin na ang pan-limang araw na test para sa mga taong galing interstate, ngunit kinakailangan pa ring pumayag sa test ang mga manlalakbay na magbibigay ng border pass applications.
  • Sa Western Australia, patuloy ang targeted public health at social measures sa Perth at Peel regions hanggang 6:00am, Martes 4 Enero, 2022.
  • Kahapon, lumagpas ng ng 10,000 na panibagong kaso ang Australia dahil sa mga matataas ng bilang sa NSW, Victoria at South Australia. May isa ng namatay sa NSW dahil sa Omicron variant.
COVID-19 STATS:

May 6,062 na bagong kaso ng COVID-19 sa NSW at may isang namatay, habang may 2,738 na-report na bagong kaso sa Victoria at apat na namatay.

Nag-rekord ng 1,158 na bagong kaso sa komunidad at anim na nasa ospital para sa kanilang mga sintomas sa Queensland.

May 43 na bagong kaso ng COVID-19 sa Tasmania.

Para sa mga kasalukuyang pag-responde sa COVID-19 pandemic sa iyong wika, bumisita 



Quarantine and restriksyon kada estado:

Travel

Pampinansyal na tulong

May mga pagbabago sa COVID-19 Disaster Payment kapag umabot ang estado ng 70 at 80 per cent fully vaccinated:  




Bisitahin ang mga translated resources na published ng NSW Multicultural Health Communication Service:


Testing clinics sa bawat estado't teritoryo:

 
 

 






Share
Published 28 December 2021 12:46pm
Updated 30 December 2021 6:47pm
By SBS/ALC Content
Source: SBS


Share this with family and friends