COVID-19 update: Lockdown sa regional NSW, magtatagal pa; VIC, nasa ika-200 araw na ng lockdown

Update kaugnay sa Coronavirus sa Australia ngayong Agosto 19, 2021

testing cue outside Palais Theatre

People are seen waiting in line outside of the Palais Theatre at a pop-up testing facility in St Kilda, Melbourne, Thursday, August 19, 2021. Source: AAP Image/James Ross

  • Lockdown sa regional New South Wales, tatagal pa hanggang Agosto 28
  • Mga kaso ng coronavirus sa Victoria, biglang sumipa sa ika 200 araw ng lockdown ng estado
  • ACT, nagtala ng 9 na mystery cases
  • Queensland at Northern Territory walang naitalang mga panibagong kaso

New South Wales

Nagtala ng 681 na panibagong kaso ng coronavirus ang New South Wales, 87 sa mga ito ay nasa komunidad habang nakakahawa. Isang lalaking nasa edad 80 ang namatay at pumalo na 61 ang kabuuang bilang ng namatay sa estado dahil sa COVID-19.

Karamihan ng mga kasong naitala ay nasa Merrylands, Guildford, Auburn, Granville, Lidcombe, greenacre at Blacktown, ayon kay NSW Premier Gladys Berejiklian.

82 sa mga tinamaan ng COVID-19 ay nasa intensive care, 71 sa mga ito ay hindi pa bakunado.

Magpa-book na ngayon ng .

Victoria

Nagtala ng 57 na panibagong kaso ng coronavirus ang estado, tatlo sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. Labingtatlo ang nasa komunidad habang nakakahawa.

Ayon kay Deputy Chief Health Officer Ben Cowie, patuloy ang pag-test sa mga wastewater kung saan may natukoy na traces ng virus sa bandang Shepparton sa northeast Victoria at sa Ardeer sa Melbourne.

Narito ang listahan ng mga .

Australian Capital Territory

Nagtala ng 16 na panibagong kaso ng COVID-19 ang teritoryo, lima sa mga ito ay hindi konektado sa kasalukuyang outbreak. Sa ngayon, umabot na sa 83 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa Canberra.

Ilan sa mga natukoy na exposure sites ay ang tren, ruta ng bus, early learning centre sa Turner at ang general practice sa Belconnen,


Pinakahuling kaganapan sa loob ng 24 oras sa Australia

  • Lockdown sa Greater Darwin, tinapos na pero may mga restriksyon pa ring ipinapatupad
  • Lockdown sa Katherine, tatagal pa hanggang Byernes Agosto 20
  • Premier Annastacia Palaszczuk nga-deploy ng military sa border ng Queensland-NewSouth Wales

alc covid mental health
Source: ALC
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:

Kung kinakailangan mong bumyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kundisyon sa pagbyahe sa labas ng bansa,.  Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update    website. 


 



Isinalin sa inyong wika, .

Isinalin sa inyong wika .



Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo:

 
 

Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo:

 
 
 

 





 



Share
Published 19 August 2021 2:56pm
Updated 19 August 2021 3:52pm
By SBS/ALC Content
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends