- Pinalawig ng NSW ang listahan ng mga awtorisadong manggagawa na papahintulutan na umalis sa Fairfield, Canterbury-Bankstown at Liverpool
- Listahan ng mga COVID-19 exposure sites sa Victoria, patuloy na lumalaki
New South Wales
Naitala ng New South Wales ang 105 na bagong lokal na kaso ng coronavirus. 66 na kaso ay naka-ugnay sa kilalang cluster; ang pinagmulan ng 39 na kaso ay kasalukuyang inaalam pa. Isang babae sa nasa kanyang 90s ang nasawi sa South-Eastern Sydney.
Ang mga residents sa local government areas ng , at ay hindi papayagang umalis sa mga rehiyon na iyon maliban lamang kung sila ay nagta-trabaho sa healthcare, emergency services o sa mga supermarkets, bottle shops, kiosks, newsagents, office, pet supplies stores at garden centres.
Simula 12:01 ng umaga ng Lunes, Hulyo 19, ang lahat ng construction work at mga non-urgent maintenance, kabilang ang mga cleaning services at repair work sa mga residential premises ay pansamantalang ititigil muna. Inaasahan na makakaapekto ito sa hanggang 500,000 mga construction workers sa NSW.
Hanapin dito ang mga sa listahan o sa mapa. Ang kasalukuyang lockdown ay tatagal nang hanggang 11:59 pm, Biyenres, Hulyo 30.
Victoria
Naitala naman ng Victoria ang 16 na bagong local coronavirus cases at 2 kaso na nakuha overseas. Sa kabuuan, mayroong 70 na aktibong kaso sa Victoria.
Mayroon na ngayong mahigit 215 na bagong exposure sites sa estado. Ang pinakabagong mga naidagdag sa listahan ay Altona Meadows, Kew at Truganina. Hinihikayat din ang mga resident ng Phillip Island sa South-East Melbourne na magpa-test. Hanapin dito, ang mga sa listahan o sa mapa. Ang ikalimang lockdown ay nakatakdang tumagal hanggang 11:59 pm sa Martes, Hulyo 20.
Mga kaganapan sa loob ng 24 oras sa buong Australia
- ACT at Queensland naitala ang isa pang araw nang walang community transmission.
- Sa South Australia, nasa 100,000 vaccination doses ang inihatid sa Adelaide Showground sa Wayville.
- Tasmania, isinara ang border para sa lahat ng bahagi ng NSW.
Sa Lunes, Hulyo 19, magsisimula ang Eid al Adha (“Festival of the Sacrifice”). Mahalagang protektahan ang iyong sarili at ang iba sa mga pagdarasal ng Eid al-Fitr sa pamamagitan ng:
- pagpili na sa bahay na lamang magdasal
- kanselahin ang malalaking pagtitipon
- magsuot ang face mask
- gumamit ng sariling prayer rug
COVID-19 MYTH:
Ang mga malulusog na kabataan ay hindi apektado ng COVID-19. Mga matatanda at maysakit na tao lamang ang nagkakaroon nito.
COVID-19 FACT:
Ang virus ay higit na nakakaapekto sa mas matatanda at iyong may mga umiiral na nararamdamang kondisyon, pero maaari ding mahawa at mamatay ang ilang malulusog at mas nakababatang tao.
Quarantine, travel, testing clinics at pandemic disaster payment
Pinamamahalaan ng bawat estado at teritoryo ang mga kakailanganin para sa quarantine at testing:
Kung kinakailangan mong bumiyahe sa ibang bansa, maaaring mag-apply ng exemption online. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kondisyon sa pagbiyahe sa labas ng bansa, . Mayroong mga patakarang pansamantalang ipinapatupad para sa mga international flights, na regular na sinusuri ng gobyerno at ina-update sa website.
- Mga balita at impormasyon na isinalin sa mahigit 60 wika sa
- Mahahalagang alintuntunin sa bawat estado o teritoryo: , , , , , , .
- Impormasyon tungkol sa
Bisitahin ang NSW Multicultural Health Communication Service, para sa mga Isinalin sa inyong wika na at .
Mga testing clinic sa bawat estado at teritoryo::
Impormasyon kaugnay sa pandemic disaster payment sa bawat estado at teritoryo::